Troy's POV
"Salamat po, dok." ayan na lang ang nasabi ko saka na lumbas ang doktor dito.
Si Sol ang naka-patay kay Storm after na bumagsak ang katawan ni Fey. Pagkatapos nu'n, agad namin siya dinala sa pinaka-malapit na ospital dito. At mukhang malala na ang sakit niya.
"Punta lang ako sa mansyon, kuha lang ako ng mga damit ni Fey." Paalam ni Bianca sa'min ni Niel ngayon.
"Sige. Ipaalam mo na sa kanila about kay Fey." Ayan ang sinabi ni Niel saka naman tumango si Bianca at lumabas na ng kwarto.
"Gagaling naman siya, hindi ba?"
Napa-tingin ako kay Niel na, naka-tingin siya ngayon kay Fey. "Oo naman."
Huminga siya nang malalim at tumingin sa'kin. "Alam mo naman na nakikita niya ang mangyayari, 'di ba?"
"Eh, ano ba ang nakita niya? Bukod sa nakita niya kanina tungkol kay Sol?"
"Mamamatay si Fey dahil sa sakit niya." Sinabi niya iyon habang naka-tingin siya kay Fey.
"Hoy, hindi magandang biro 'yan." Ayan na lang ang nasabi ko. Pero, hindi ko talaga alam kung bakit ayun ang sinabi ko.
"Ang masama pa niyan, hindi pa natin makita si Harold once na mamatay si Fey."
"Ano?! Anak ng. . . Nasaan ba kasi si Harold ngayon? Hindi ba niya alam na nagpakita ulit ang magkakapatid sa'tin?"
"Pinipilit kong intindihin ang drama ni Harold nu'ng teenager pa lang tayo hanggang ngayon. Partida, nakalimot na ko ah." Sabi ni Niel habang umiiling siya.
"Pero, kailangan gumaling ni Fey ngayon." Sabi ko.
Lumingon sa'kin si Niel. "Gagaling siya kahit ano'ng mangyari. May kalaban man tayo or wala, gagaling si Fey. Okay?"
"Harold. . ."
Napatingin kami kay Fey, nagsalita siya bigla eh.
"Nandiyan siya." Ayan ang lumabas sa bibig niya.
"Nananaginip ba siya or may nakikita siya na mangyayari?" Tanong ko.
"Syempre hindi ko alam pre." Ayan na lang ang sagot ni Niel.
Lumapit ako sa kabilang side ng kama. Yung mukha niya, parang may nakikita talaga siya sa panaginip. Yung bibig niya, parang may gustong sabihin pero wala kaming naririnig na boses. Hinahabol ba siya or siya ang nagha-habol?
"Umiiyak na siya, Troy." Sabi na lang ni Niel. At oo, may umaagos na luha sa mata niya. Pero hindi pa rin siya makapag-salita.
"Fey, gumising ka diyan." Sabi ko habang niyu-yugyog ko ang balikat niya. "Fey! Gumising ka diyan!"
"Gumising ka Fey! Dali!" Sigaw na ni Niel. Parang hindi pa rin kami naririnig.
"Fey! Nandito kami!" Sigaw ko at sakto din na napa-bangon siya sa kama. Ang lalim ng paghinga niya.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Niel. Maya-maya, bigla na lang siya umiyak.
"Ano'ng nangyari Fey?" Tanong ko.
Dahan-dahan siyang tumingin sa'kin. "Hindi ko makita si Harold."
"Pa'nong hindi mo nakita?" Tanong ni Niel.
Umiling siya. "Hindi ko alam. Naulit na naman ang nangyari sa'tin noon." Mas lalong umiyak si Fey kaya niyakap ko na.
"Tahan na. Hindi maganda sa health mo 'yan." Ayan na lang ang nasabi ko. Napatingin ako kay Niel na, iniisip pa rin niya kung ano ang nakita ni Fey.
BINABASA MO ANG
Revision Of Fate
Fantasy(ZODIAC PROTECTORS BOOK 3) "Lahat ng mangyayari sa inyo, mababago dahil sa kanya." What will happen after their sad battle? DATE STARTED: May 9, 2020 DATE FINISHED: April 18, 2021