Ariusa's POV
"Ano'ng ginagawa mo Leo?"
Napalingon si Leo sa'min nang makita namin na naglabas siya ng apoy.
"May mga 'alien' na paparating dito kaya pinatay ko sila." Sagot niya.
"Pero yung tinira mo, papunta na kung saan nagta-trabaho si Soliva ngayon." Kaagad nanlaki ang mga mata niya after sabihin ni kuya Rustan.
"Pinalipad ko na sa malayo kaya wag na kayo mag-alala." Napalingon kami kay Gem habang siya naglalakad papunta sa'min. "Kaya tayo pinapunta dito dahil nakita na ni Syren ang mga 'yun, tama?"
"Oo. Pero hindi pa nakikita ni Sol sina Karen at Harold. Gising na si Dorothea kaya hindi na niya mabantayan." Sagot ko. Sa totoo lang, si Dorothea ang dahilan kaya nagta-tagpo ni Dorothea ang mga kasamahan niya.
"Nakita na niya kaya ang mga yun?" Tanong ni Leo na nagkibit-balikat lang ako.
Soliva's POV
"Late na ba tayo?"
Ayan ang tanong ni Uni. Nasa van kaming lahat ngayon, papunta na sa simbahan dahil kasal na ni Karen.
"Parang, ewan ko." Sabi ni Leandros sabay tumawa.
"Okay, we're here." Kaagad na pinark ni Paulo ang kotse. Hindi naman kami kasali sa abay nila pero, nakakahiya naman kung malate kami.
"Si Kevin nandu'n!" Kaagad tinuro ni Rico si Kevin na nasa gilid lang ng simbahan. Agad naman kami pumunta sa kanya. Bigla na lang nag-suot ng shades si Sab tapos si Uni, naka-cap lang. Mga celebrity pala 'tong kasama namin.
"Nag-start na ba?" Tanong ko sabay tumango si Kevin. "Sorry kung nalate kami."
"Okay lang. Sakto din na lalakad na si Karen. Pasok na tayo." Sa gilid ng simbahan lang kami pumasok, medyo maraming tao pero mukhang hindi naman kami mapapansin lalo na sina Sab at Uni.
"Nakaka-miss talaga maglakad papuntang altar." Bulong ni Bianca na nasa tabi ko lang. Kasal na pala 'to.
"Nakaka-miss din kaya tumakbo papalabas ng simbahan, you know." Tinignan lang ni Bianca si Leandros nang masama. "Oh, bakit?"
"Naalala ko, tumakas pala ang bride mo." Bulong ni Bianca saka naman siya tumawa nang mahina. Nag-sungit yung mukha ni Leandros .
"Oh my god, nandiyan na siya." Bulong ni Uni kaya agad niya tinutok yung phone. Teka, sino ba yung groom?
Bumakas ang pinto ng simbahan. Naka-yuko siya at dahan-dahan inangat ang tingin niya sa altar. She's smiling habang naglalakad siya papunta sa altar. Nakapa-ganda talaga ng mga babaeng kinakasal sa tamang lalaki. Except lang po natin sa kaso ni Leandros, hehe. Pero teka, hindi mo makita kung sino yung groom. Medyo, naka-harang yung mga matatangkad na babae eh.
"Takte, hindi ko makita yung groom." Sabi na lang ni Niel.
"Maliit ka kasi. Hayun siya oh." Kaagad naman tinuro ni Uni yung medyo matangkad na lalaki nag-aabang sa altar.
Napa-silip naman ako sa altar at... JUSKUPO!
JOKE LANG 'TO DI BA?!
"Ayan na, malapit na si Karen sa future husband niya." Sabi na lang ni Bianca.
"Hala, ang cute nila." Sabi na lang ni Uni.
"Sol." Napalingon ako kay Rico. "Kanina ka pa naka-nganga diyan. Okay ka lang?"
Pa'no ko ba sasabihin sa kanila na kilala ko ang groom? Pa'no ko sasabihin sa kanila na kasamahan namin yung groom? Paano ko sasabihin sa kanila na si Harold ang Aries Protector! Paano?!
BINABASA MO ANG
Revision Of Fate
Fantasi(ZODIAC PROTECTORS BOOK 3) "Lahat ng mangyayari sa inyo, mababago dahil sa kanya." What will happen after their sad battle? DATE STARTED: May 9, 2020 DATE FINISHED: April 18, 2021