And Lastly...

250 3 0
                                    

Argh...


A-ano 'tong...


N-nasaan ako?


Bakit puro yelo ang nakikita ko?


Nasa loob ba ko ng kweba? Or mansyon? Or what?


Hindi ako giniginaw pero parang pagod ang katawan ko.


Atsaka...


Nasaan sila?


"Mabuti naman at nagising ka rin."


Napalingon ako sa boses niya. Si Ariusa ba 'to? Agad ako bumangon, tumakbo siya papunta sa'kin at niyakap ako. Bakit hindi ko ramdam ang panghihina ko?

"A-ano'ng nangyayari?" Tanong ko sabay napayakap ako sa kanya. Narinig ko na lang siya na umiiyak.

Humarap muna siya sa'kin, pinunasan muna niya ang kanyang mga mata at ngumiti sa'kin. "Niligtas kayo ni ate Pis."

Nakita naman niya sa hitsura ko na wala ako maalala sa nangyari. "Ano ang huling naalala mo?"

Ano ba? Ah. . . "Si F-fey ba yun? Nakatayo siya sa harapan namin. Siya ang humarang sa-" 


Teka...


"Bakit?" Tanong niya agad sa'kin.

Napalingon ako sa paligid. "Nasaan sila?"

"Makinig ka." napa-lingon naman ako sa kanya. "Si ate Pis ang nagligtas sa inyo, kasama si Harold. Ginulo niya ang oras niyo para hindi kayo mapuntahan ni Saedon." Ayan ang sinabi niya. Hindi ko kilala si Saedon. Siya ba yung. . .

"Si Syren ang huling kalaban niyo. At ikaw, Soliva, ang nakaka-alala sa nangyari."

"Ano? Pa'no naging ako? Eh, ako 'tong-"

"Kailangan mahanap mo sila at gisingin ang natutulog nilang kapangyarihan bago sirain ni Syren ang mundo ninyo." Gisingin? Ibig sabihin. . .

Huminga muna siya nang malalim at "Soliva, ayun ang kapalit ng pagligtas ni ate Pis sa inyo, ang makalimutan ang nangyari lalung-lalo na sa pagiging Zodiac Protectors nila."


Ha?


"Wala na silang kapangyarihan. At ikaw lang ang magpapagising sa kanila."

___________________________________

Hello po. Hehe.

TEKA, BINASA MO NA BA YUNG BOOK 1 AT BOOK 2 NETO? BASAHIN MO MUNA BAGO KA MAG-PROCEED DITO! MALILITO KA HAHAHAHAHAHAH! XD

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Revision Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon