Sa di kalayuan ay tanaw na nya si Lucy na naghihintay sakanya. Halata sa mukha nito ang kaba dahil sa pabalik- balik ito sa paglalakad.
" Ooops " aniya sabay tawa dahil sa napalakas ang pag preno nya. Pag kababang pagkababa nya ay agad syang sinalubong ni Lucy.
" Ano? Buhay ka pa? bali? Dugo? Nakasagasa ka ba? " sunod-sunod na tanong nito sakanya habang hawak-hawak sya sa magkabilang balikat at pinagmamasdan ang buong katawan nya. Nang makitang okay sya ay sunod naman nyang tiningnan ang kanyang sasakyan, natawa na lamang si Lira dahil sa inakto ng kaibigan, animoy matagal na nawalay sa sasakyan kung makayakap at makahalik, anak na kasi kung ituring ito ni Lucy at kung pwede nga lang pakasalan na nya ito sa sobrang pagmamahal nya. Hindi mapigilan ni Lira ang saya dahil kahit papano ay nagawa nyang makapag drive. Kung matutunan nya pa ito ay baka payagan na sya ng kanyang magulang at mapapatunayan nya na kaya nyang mag-isa.
*****
Napansin ng ina ni Martin na walang gana ito ng makauwi sa bahay galing trabaho, pasalampak na umupo at basta na lamang nilapag sa sahig ang kanyang bag.
" Gusto mo na ba kumain? Ipaghahain na kita "
" Hindi na po nay " walang gana nitong sagot. Hindi sumagot ang kanyang ina at umupo sa tabi nito. " May problema ba " tanong nito sabay haplos sa kanyang likod.
" Wala naman po nay " sabay pilit nyang ngiti, mukhang hindi kumbinsido ang ina sa kanyang sagot kaya napilitan si Martin sabihin ang totoo. "Nanghinayang lang ako sa malaking client sana namin, dahil kasi sakin kaya po nag back out "
"Ay gay'on ba? May hindi maganda kabang ginawa sa kliyente kaya umatras?" Napaisip naman si Martin sa sinabi ng kanyang ina, naalala nya ang insidente ng una silang magkita ni Lira. Kinwento ni Martin sa kanyang ina ang nangyari.
"Hayaan mo na iho at marami pa namang magpapaturo pa saiyo, ay kagaling mo kaya" sabay ngiti ng kanyang ina.
"Nanghihinayang din kasi ako nay, malaki rin ang makukuha kong porsyento tsaka,,,, maganda kasi yung client "
"Kaya naman pala" sabay natatawang napailing na lang ang matanda " Pero anak, wag ka magalala sasama ako bukas kay ising at maglalabada kami "
" Nay, hindi ba sabi ko sainyo ako ng bahala dumiskarte sa pera? Dito na lang kayo sa bahay. Samahan nyo na lang mga kapatid ko dito "
" Ayos lang anak, magkano rin yon at sayang naman. Pandagdag rin sa pangbayad natin dito sa bahay " tututol pa sana si Martin pero mabilis na pinigilan sya nito. Pagkatapos ipaghain ay pumasok na ito sa loob ng kwarto.
Napabuntong hininga na lamang ang binata at labis na nagalala sa kanyang ina.
*****
Kinaumagahan, maagang nagtungo sa kanyang clinic si Lira. May schedule na operation kasi sya sa isang kilalang personality. Ilang oras din ang tinagal nya sa loob ng operating room at sa wakas ay natapos din. Dahil sa may susunod pa syang operation ay nagmamadali syang lumabas ng kwarto, nakasunod sakanya ang mga assistant doctors nya habang binabasa ang profile case ng kanyang susunod na pasyente.
" Please prepare all the equipments and the patient, make sure everything is ready before calling me " ma awtoridad nyang sambit sa mga ito, tumango naman ang mga assistant doctors at saka umalis si Lira. Habang naglalakad sya pabalik ng office ay biglang tinawag sya ng kanyang secretary.
" Doc Lira, may naghahanap po sainyo " at dahil hectic ang schedule ng dalaga ay tumanggi syang makausap ito at pinababalik na lang sa susunod na araw. Muling naglakad ito paalis, hindi pa man sya nakakalayo ay muli syang napahinto ng biglang may tumawag ng kanyang pangalan, hindi man nya nakikita kung sino ito ay parang pamilyar ang boses sa kanya, dahilan upang ito ay kanyang lingunin.
BINABASA MO ANG
The Black Dahlia
RomanceKailan man ay hindi sumagi sa isip ni Lira ang magkaroon ng sariling pamilya, para sa kanya ay sapat na ang kanyang magulang. Bilang natitirang isang anak obligasyon nyang ibigay ang kaligayahan ng mga ito kaya mas nagsumikap sya sa buhay upang hind...