Chapter 1

53 4 1
                                    


Chapter 1

"Ladies and Gentlemen, let's all welcome Ms. Lira Sebastian" isang malakas na palakpakan at pagbati ang bumungad kay Lira habang paakyat ng entablado. Gamit ang magagandang ngiti sa kanyang labi ang naging kanyang ganti, halos lahat ng tao ay nasa kanya ang mata at atensyon, mapa babae o lalaki labis ang pag hanga sakanya.

Naimbitahan syang speaker guest sa isang international cosmetics laser surgeons sa Bangkok Thailand.

Pagkatapos ipakilala ang sarili, nagbigay sya ng motivational speech at ang kanyang vision and mission ang kanyang naging talumpati sa mga kapwa nya Doktor. Sa kanyang pananalita at kumpyansa halatang sanay na sanay sya sa kanyang ginagawa. Ilang oras din ang tinagal ng event kaya atat na bumalik sa hotel si Lira, hindi na rin sya nag aksaya pa ng oras para sumama sa after party nito. Matapos ang kamustahan at saglit na pakikisalamuha sa iba pang mga kilalang mga guest ay agad na sya nag paalam.

Hindi pa sya nakakalayo sa kanyang pag-alis ay agad na may humarang sa kanyang dadaanan, may katangkaran si Lira at sabayan mo pa na naka heels kaya kahit matangkad ang lalaki ay hindi na sya nag- angat ng tingin. Ang kaninang iritable ay agad napalitan ng pilit na ngiti.

" Doc. Smith " bati nya rito, katulad nya ay isa rin itong kilalang Doctor sa U.K, binata ito at hindi maitatanggi ang kagwapuhan. Maputi ito at asul ang mata ang buhok ay kulay tsokolate at may maskuladong pangangatawan na humahapit sa suot nitong polo

" Where are you going Ms. Sebastian? " tanong nito sakanya habang hindi nawawala ang ngiti sa labi, ngunit kahit anong gwapo o tamis na ngiti ng lalaki ang kanyang gawin ay hindi umubra sa dalaga. Napatingin sa paligid si Lira na para bang naghahanap ng saklolo saka sya bumaling ng tingin sa kausap.

" I need to go to powder room, if you don't mind " walang emosyong sagot nya. Napatikhim na lang si Doctor Smith

" Sure " sabay gumilid ito upang makadaan si Lira. Nang magsimula na ulit syang maglakad ay muling nagsalita ang lalaki.

" I will wait you Doc. Sebastian " ngunit hindi nya ito pinansin bagkus ay nagmadaling maglakad paalis.

" You should go to the party Lira, enjoy the night " rinig nya sa kabilang linya habang nakaharap sa salamin at tinatanggal ang hikaw, pilit syang napangiti sa sinabi ng kanyang ama habang kausap nya ito sa kanyang laptop. Agad nya kasi tinawagan ang kanyang magulang nang makarating sa hotel. Namimiss na nya kasi ito kahit dalawang araw pa lang ang nakakalipas. Umupo sya sa kama kung saan kaharap nya ang tatay nya.

" Alam mo naman dad na ayoko sa mga ganyan diba? Magpapahinga na lang ako " maktol nya pa rito. Rinig nya ang pag ngisi nito na parang nangaasar.

" Yeah, I know " sabay singhap nito
" Anyway, Hinahanap ka ni Lucas, Tinakasan mo nanaman ba sya? akala ko ba magkasama kayo magbakasyon dyan sa thailand? "

" Mabagal kasi sya, male-late na ako sa flight kung hihintayin ko pa sya " napailing ang kanyang ama, alam nito na nagdadahilan lang si Lira dahil ang totoo ayaw nya ito makasama.

Si Lucas ay matagal nang manliligaw ni Lira, simula pa lang ng sila ay kolehiyo hanggang sa maging ganap na rin itong surgeon ay hindi pa rin ito tumitigil sa pagsuyo sa dalaga. Gwapo, makisig at matalino ito. Kumbaga pangarap ng mga kababaihan ang isang tulad nya, kaya maraming nagtataka kung bakit hindi pa ito sinasagot ni Lira o di kaya'y magustuhan man lang.

" Don't you still find him attractive? Boto ako sa kanya Li--" agad na pinutol ni Lira ang sinasabi ng kanyang tatay.

" Asan pala ang Mommy? " hindi nagsalita ang kanyang ama, sumenyas lang ito na natutulog sabay turo kung nasaan ang pinto ng kanilang kwarto mag-asawa.

The Black DahliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon