Unang tumayo ang kanilang ama, lihim na napahingang malalim si Beatrice nang magtama ang kanilang paningin. Animoy isang matapang na nilalang ito para sa kanya dahil sa una rin nilang pagkikita.Hanggang sa unti-unting lumingon ang babaeng matanda. Ngayon lang ito nakita ni Beatrice ngunit ganun na lamang ang bilis ng tibok ng puso nya nang sila ay magkaharap.
Alalay ng kanyang caregiver, hindi alintana kay Mary ang kanyang karamdaman. Tulala at hindi ito makapaniwala. Totoo nga ang sinasabi nilang lukso ng dugo, wala mang ebidensyang hawak na nagpapatunay na ito ang kanyang nawawalang anak ramdam nya ang kakaiba at hindi maipaliwanag na saya.
Sa lahat nang nagpakilalang sila ang nawawalang anak nila, magaan ang pakiramdam nya kay Beatrice.
Mula sa itsura, mata at hugis ng mukha para sa kanya ay kamukhang kamukha ito ni Lira. Magiba man ang postura at kabuuang panlabas nito. Hindi nya maitatanggi ang pagkakatulad ng kambal.
Para bang bumalik sya sa nakaraan, mula ng kanya itong isilang hanggang sa huling pagkikita bago ito mawala.
Nakatulala lamang si Beatrice habang pinagmamasdan sya nito, pinapalibutan ng tingin ang kanyang mukha na parang kinakabisa. Takot na hawakan ang pisngi at halos manginig pa ang kamay habang unti-unting dinadampi ang kanyang palad dito.
Pilit na lumunok nang malaki si Beatrice sa pagpigil nya ng kanyang emosyon, hindi nya maintindihan kung bakit parang gusto nya ring sabayan sa pag tulo ng luha ang kanyang kaharap.
" M-Mira " Hindi makapaniwalang sambit ni Mary sabay haplos sa magkabilang pisngi nito.
Halos lahat ay natahimik, maging si Lira ay hindi na rin mapigilan ang pagtulo ng luha habang ang mga palad ay nasa kanyang bibig. Halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman sapagkat ngayon nya lang nakita na mapaiyak sa tuwa ang kanyang mahal na ina.
Pakiramdam nya ito ang pinaka magandang nagawa nya sa kanyang magulang, lalo na sa kanyang ina na matagal nang nangungulila sa kanyang kambal.
" Mary, we still need to confirm that she's our daughter " basag sa katahimikan ni Liam.
" Dad, napa DNA test ko na siya. And it's positive sya si Mira " tugon ni Lira.
" I just want to make it sure "
" But Dad---"
" Ayos lang Lira " mabilis na pagputol ni Beatrice sa kanya. " Kung ano ang makakapag panatag sainyo. Gagawin ko po ang gusto nyo " pinal nitong sambit.
Bumaling naman ng tingin si Liam kay Lira "This will be the last time na may dadalhin kang ibang tao dito sa bahay, kapag nagkamali ka nanaman, pati ikaw hindi na makakatungtong sa pamamahay ko" pagkatapos ay umalis na si liam at nagtungo sa kanyang opisina.
Naiintindihan nya ang kanyang ama, nasaktan man ay pilit na lamang ngumiti si Lira. Agad sya lumapit sa kanyang ina at yumakap dito. Mas nangingibabaw pa rin sakanya ang saya dahil kasama na nila si Mira.
"Habang hinihintay natin ang result, dito ka muna tumuloy " sambit ni Mary kay Beatrice habang pinapakita ang guest room na pansamantalang tutuluyan nito.
" Salamat po " Nahihiyang tugon nito.
" Halika may ipapakita ako sayo " sumunod si Beatrice kay Mary palabas ng kwarto. Nagtungo sila sa isang silid, nakalock pa ito at sa langit-ngit na tunog ng pinto ay halatang matagal na itong hindi nabubuksan. Sa lahat din ay ito lang ang naiibang pinto.
Bumungad sa kanila ang isang kwartong may mga lumang gamit, gamit ng mga pang sanggol.
Pinasadahan ito ng tingin ni Beatrice habang pumapasok sa loob. Mga gamit pang bata at dalawang crib ang meron dito. Nakasabit din sa ding-ding ang ibat-ibang litrato ng bagong silang ang kambal.
BINABASA MO ANG
The Black Dahlia
RomanceKailan man ay hindi sumagi sa isip ni Lira ang magkaroon ng sariling pamilya, para sa kanya ay sapat na ang kanyang magulang. Bilang natitirang isang anak obligasyon nyang ibigay ang kaligayahan ng mga ito kaya mas nagsumikap sya sa buhay upang hind...