Hindi na mabilang ni Mira kung ilan na ang mga bumati at pumuri sa kanya. Lalo na ng mga lalaki na nakikipagkilala at agad na nagpaparamdam kahit bagong magkakilala pa lamang sila.
Ganito pala ang mga mayayaman, halos sambahin ka ng lahat lalo na kung galing ka sa kilalang pamilya. Aniya sa sarili.
" Do you like the your party? " bumalik sya sa ulirat nang tanungin sya ng kanyang ama.
" Opo... S-sir Liam " nahihiya nyang tugon.
" Daddy ang itawag mo sakanya Mira
" singit ni Mary habang papalapit sa kanila " at tawagin mo akong Mommy, pwede ring mama o nanay basta kung saan ka kumportable "" At masanay ka na na tawaging Mira " patuloy naman ni Lira " I'm so happy for you Mira " sabay yakap nito nang mahigpit " Thank you for making my dreams come true. Thank you for making our parents happy again. "
Salit-salit ang tingin ni Mira sa kanyang magulang na masayang nakatingin sa kanilang magkapatid. Unti-unti nyang inaangat ang kanyang mga kamay at dahan-dahang yumakap kay Lira.
Hindi mapigilan ng mag-asawa ang kanilang saya habang pinagmamasdan ang kanilang kambal na anak.
Patuloy pa rin ang party at nagkaroon na rin ng kaibigan si Mira, mga dalagang anak ng mga kongresista at ang ilan ay kilalang personalidad.
Habang Masayang nakikipagkwentuhan sa mga ito ay napukaw ng kanyang atensyon ang isang lalaki. Napaayos at napalunok pa ito nang tumitig ito sa kanya. Dahan dahan syang ngumiti dito nang mapansin nyang nakatingin din ito sa kanya.
Inayos nya ang kanyang sarili at pasimpleng inayos ang kanyang buhok nang mapansin nyang papalapit ito sa kanya. " Lucas " napatingin silang dalawa sa tumawag sa lalaki. Si Lira
Agad na lumapit dito si Lucas at humalik sa pisngi nito, habang si Mira ay takang nakatingin lamang at hindi maiwasan na mapairap sa hangin. Agad din naman sya nag iwas tingin sa mga ito nang papunta sa kanyang direksyon ang dalawa.
" Lucas, She's Mira. My twin sister " Hindi makapaniwala si Lucas sa kanyang narinig. " Geez... akala ko may kamukha ka lang. Buti na lang tinitigan ko sya nang mabuti kanina kundi mapagkakamalan kong ikaw sya " sabay tawa nito nang malakas " Anyway, it's my pleasure to meet you " akala ni Mira ay makikipag shake hands lamang sa kanya ito. Laking gulat na lamang nya nang biglang halikan nito ang kanyang kamay.
" I'm sorry that I didn't tell you that I'm looking for her " sambit ni Lira "ayoko lang makaistorbo sayo, masyado nang malaking abala pa ang magpatulong pa sayo"
" No, its okay. I understand. Ikaw pa ba " sabay kindat ni Lucas sakanya. Muli, lihim na naman na pairap si Mira sa kanyang nakikita, hindi dahil sa naiingit kundi dahil parang may relasyon ang dalawa kung makaakto ang mga ito.
Natigilan si Mira sa kanyang iniisip, agad naalala si Martin. "Are you okay, Mira?" Tanong ni Lira.
"Saglit lang may pupuntahan lang ako" hindi na nya inantay magsalita si Lira at agad na umalis. Niyaya naman ni Lira si Lucas na kumain muna, sinamahan nya ito hanggang sa makarating sa kanilang table.
Naglakad-lakad si Mira at pasimpleng tinitingnan ang bawat taong makakasalamuha. Nagpalinga-linga na pawang may hinahanap, tanging pag ngiti at pagtango ang kanyang nagiging sagot sa bawat taong bumabati sa kanya.
Hanggang sa mapadako sya sa entrance ng hotel. Sandali syang napatigil nang mapansin nya ang binatang nasa pintuan na pirming inaayos ang kanyang sarili. Suot ang black tuxedo at nakaayos ang buhok. Halatang pinaghandaan ang gabing iyon. Hindi maiwasan ni Mira mapangiti, pakiramdam nya ay naglalakad sya patungo sa lalaking naghihintay sa kanya sa altar.
BINABASA MO ANG
The Black Dahlia
RomanceKailan man ay hindi sumagi sa isip ni Lira ang magkaroon ng sariling pamilya, para sa kanya ay sapat na ang kanyang magulang. Bilang natitirang isang anak obligasyon nyang ibigay ang kaligayahan ng mga ito kaya mas nagsumikap sya sa buhay upang hind...