Chapter 23

12 3 1
                                    


Chapter 23

Hindi maalis ang tingin nila sa isa't-isa, pawang kinakabisa ang kani-kanilang mukha dahil sa tagal na hindi nila pagkikita. Ilang taon na ang nakakalipas, marami na ring nagbago sa kanila. Kapwa hindi makapagsalita matapos mabigkas ang pangalan.

Bumalik na lamang sa ulirat si Beatrice nang ilahad ni Martin ang kanyang kamay dito. Tinitigan nya muna ito saka unti-unting hinawakan. Dahan-dahan itong tumayo saka pinagpagpag ang suot na nadumihan.

Para kay Martin wala pa rin ito pinagbago. Malalambot pa rin ang palad ni Bea na pawang hindi nadadampian ng anu mang mabibigat na trabaho. Pigil hininga ito nang muling dumampi ang kanilang palad.

Maging si Bea ay ganoon din ang nasa isip, halos sakupin ng mga palad ni Martin ang kanyang maliit na kamay. Tumikhim muna ang dalaga bago magsalita

" A-anong... anong ginagawa mo dito? " tanong ni Beatrice, pilit pinapakalma ang sarili, tinatago ang kasabikang yakapin nang mahigpit ang lalaking nasa harap nya.

"May...May pinuntahan lang ako. Ikaw? Ano ginagawa mo rito?" Hindi mapigilang kabahan si Martin, sa tagal na di pagkikita may ibang apekto pa rin sakanya ang dalaga.

Nakaramdam na lamang ito ng pagkailang, at hindi nya alam kung ano ang iaakto, nanatili kasing titig na titig kasi sakanya si Beatrice.

"May binisita lang ako dito"

"Aahhh" sagot ni Martin. Sandaling dumaan ang katahimikan,parehas napipi ang dalwa. Sa di malamang dahilan, puno sya ng kaba ni matitigan si Bea ay hindi nya magawa.

Hindi malaman ni Bea kung paano muli sila makakapagusap. Ang dami nyang gusto itanong, ang dami nyang gustong sabihin sa lalaking nasa harap nya. Ngunit nauunahan sya ng hiya. Aminado sya na hindi maganda ang kanilang huling pagkikita.

Ngunit parang kay Martin ay wala lang, tulad ng dati na hindi marunong magalit, magtampo o sumimangot. Ngayon na muli silang nagkita parang walang pagtatalong naganap sa kanila noon.

Hindi nya malaman kung nagpapanggap ito na ayos lang sila at nakalimutan na nya ang lahat kasabay ng paglipas ng panahon.

"Kumusta ka na? " wala sa sariling tanong ni Bea, sa muling pagkakataon ngumiti nanaman si Martin. Galit ba ito? O tuluyan na nya akong napatawad sa pagiwan ko sakanya noon. Mga tanong na gumugulo sa isip ni Bea.

"Okay naman" sabay pasada nito sa kanyang batok " I-ikaw? Kumusta ka na? Wala ka pa rin pinagbago ang ganda mo pa rin " sandaling natigilan si Bea, hindi nya maiwasan na hindi mapangiti. Mga ngiti na si Martin lang ang makakagawa nito sa kanya.

"Salamat " aniya, gusto pa sana nyang sabihin na maging si Martin ay hindi nagbago. Kung tutuusin ay mas gumwapo pa ito. Umaliwalas ang mukha, lumaki ang katawan at parang kay bango-bango. " Ah eh, may gagawin ka ba or pupuntahan? Gusto mo ba na kumain muna " yaya pa nito.

" Nako hindi na " mabilis na pagtanggi ni Martin " Actually, may kasama ako ngayon, inaantay ko lang dumating " napakunot ng noo si Bea.

" Sino? "

Sasagot na sana si Martin nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan. Napadako ang kanilang tingin dito. Gulat at nanlalalaki ang mata ni Bea nang malaman kung sino ito, hindi sya makapaniwala habang papalapit sa kanila si Lira.

" Nandito ka lang pala, kaya pala wala ka sa sasakyan." Anito sabay baling nya sa kausap ni Martin.

"Mira? " Takang tanong niya nang mapansin ang kapatid.

"Teka.. magkakilala kayo? " naguguluhang tanong ni Martin " Sya? Sya si Mira? "

Bahagyang natawa si Lira sa naging reaksyon nito, ngunit si Bea ay nanatili sa kanyang reaksyon. Hindi lang dahil sa naguhuluhan rin, kundi sa maaring malaman nya sa namamagitan sa dalawa.

The Black DahliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon