Chapter 20
Mahigit isang linggo na ang nakakalipas mula nang huling magkita sila ni Martin, panay ang tingin ni Lira sa kanyang cellphone dahil sa wala rin syang natatanggap na text o tawag mula rito.
Hindi nya maiwasan na makaramdam nang pagkadismaya dahil sa araw-araw nya sa kanyang clinic ay palagi nyang maagang tinatapos ang kanyang trabaho, hindi nya rin pinapatagal ang mga meetings sa loob ng isang araw.
" Hello " nakangiti at excited na sagot ni Lira sa kabilang linya, pero agad din napawi ito ng malamang isa sa mga clients nya ang tumawag.
" Tsk, tsk, tsk " rinig nya mula sa kaibigang si Lucy, hindi nya namalayan na nasa likuran nya na ito nang maibaba na nya ang tawag, hindi na lang nya ito pinansin. Wala rin syang gana makipag talo.
Ilang araw na din sya nito sinesermunan na daig pa ang kanyang magulang. Ramdam nito ang pagtatampo ng kaibigan dahil sa pag lilihim nya sa kung ano man meron sakanila ni Martin. Pero humahanap pa sya ng tyempo at lakas ng loob para rito.
Dahil sa buong araw nanaman na walang paramdam sa kanya si Martin. Maaga syang umuwi, napag desisyunan nyang hindi muna dumiretso sa kanyang condo at sa bahay ng kanyang kapatid muna magpalipas ng oras. Dumaan din muna sya sa isang pizza parlor upang bumili ng kanilang makakain.
Sa labas pa lamang ng bahay ng kanyang kapatid ay rinig mo na ang malakas na tugtog nito mula sa loob. Mabuti at maaga pa lamang at medyo malayo ang katabing bahay para mabulabog ito.
Naka ilang doorbell sya ngunit hindi ito sumasagot kaya napag desisyunan na nyang pumasok, mabuti at kasya ang manipis nyang kamay sa pagitan ng gate nito.
Bukas rin ang pinto nang pihitin nya ito, sinuyod nya ng mata ang loob at hinanap ang kapatid habang patuloy pa rin ang malakas na tugtog, nilapag sa center table ang dalang pizza.
Labis na nabahala si Lira dahil sa kapabayaan nito, paano na lang kung ibang taong pumasok at ikapahamak nya.
Lumapit sya sa stereo upang hinaan ang tugtog, sakto naman na nakarinig sya nang malakas na pagkalansing sa kusina.
" Aray! " rinig nya pa kaya mabilis syang nagtungo doon. Hindi pa man din sya nakakalapit nang bumungad ang makapal na usok sa kanya, maging sya ay napaubo habang winawasiwas ang usok sa kanyang mukha.
" Mira! " aniya sa kapatid nang makita nya ito sa kusina. Binuksan nya ang ilang bintana at pinto sa likod upang mawala ang usok sa loob. Nag-aalala rin itong lumapit dito.
" Ayos ka lang? A-ano nangyari " pagkatapos nyang pasadahan ng tingin ang kapatid ay nabaling sya sa oven kung saan nagmumula ang usok. Mabilis nya itong tinungo, bahagya pa syang napaso bago tuluyang mapatay ito.
" Pa-pasensya na, gusto ko lang naman matuto mag bake. K-kaso hindi ko pa gaano alam paano gamitin yan " nanginginig pa at mababakas ang takot sa boses ni Mira dahil sa nangyari.
Napabuntong hininga na lamang si Lira at ngumiti nang mapalingon sa kanyang kapatid.
" It's okay. ang importante ayos ka lang " nagtatakang napatitig sa kanya ito, buong akala nya ay mapapagalitan sya ni Lira dahil sa nasira ang oven. Lalo syang nagtaka ng lumapit ito sa kanya at maingat na kinuha ang kanyang kamay.
" Tingnan mo napaso ka tuloy " kumuha ng oitment si Lira sa kanyang bag at pinahid sa napaso nyang palad. " umupo ka na muna dyan, tuturuan kita pano gamitin ito at paano mag bake "
Sandaling may tinawagan si Lira sa kanyang cellphone, pagkatapos ay inayos ang ilang kalat sa counter table. Pinagmamasdan ni Mira ang ginagawa niya habang patuloy sa pagmasahe sa napasong kamay. Ilang minuto lang ay may dumating na isang delivery dala ang bagong oven. Labis na namangha si Mira.
BINABASA MO ANG
The Black Dahlia
RomanceKailan man ay hindi sumagi sa isip ni Lira ang magkaroon ng sariling pamilya, para sa kanya ay sapat na ang kanyang magulang. Bilang natitirang isang anak obligasyon nyang ibigay ang kaligayahan ng mga ito kaya mas nagsumikap sya sa buhay upang hind...