Kinaumagahan, isinama ni Lira si Beatrice sa kanyang clinic. Pag ka pasok nila ay agad nagbigay galang ang mga empleyado sa kanya, kasabay ang kuryosidad kung sino ang babaeng kasama nito." Finally Lira, you're here " bungad ni Lucy sa kanya, napahinto na lamang ito nang mapansin si Beatrice. Ngayon nya lang ito nakita at hindi nya maipagkakaila ang pagkakahawig ng dalawa.
Halos kasabay nya kasi lumaki si Lira kaya kabisado nya ang mukha ng kaibigan. Lihim na lamang napangiti si Lira dahil sa naging reaksyon nito.
" Everyone, I'd like you to meet Mira.... My twin Sister " buong pagmamalaking pahayag niya. Ang lahat ay nagulat, maging si Beatrice ay hindi makapaniwala na ipapakilala agad sya nito sa kanyang mga empleyado bilang kapatid.
" For real Lira? Sya na ba talaga? Sya ang kambal mo? Sya talaga si Mira? " gulat na tanong ni Lucy. masayang tumango-tango naman si Lira.
" Oh my Gosh " hindi makapaniwalang sambit nito sabay yakap kay Beatrice. Hinawakan nya sa magkabilang braso ito at pinagkatitigan mula ulo hanggang paa.
" Buong akala ko namamalikmata lang ako, kaya pala kamukha mo ang kaibigan ko. Konting make over lang sayo Mira lalo mo nang magiging kasing ganda ang kambal mo "
" Hindi ko kailangan ng make over para lang maging kasing ganda nya" walang emosyong sagot ni Beatrice. Nabigla si Lucy sa sinabi nito at unti-unti nawala ang kanyang ngiti.
Tumikhim si Lira, sabay yaya nya kay Beatrice patungo sa kanyang opisina. Si Lucy naman ay sumunod na lamang sa kanila habang pilit na ngumingiti upang mawala ang pagpahiya.
Hindi maiwasan na palibutan ng tingin ni Bea ang kabuuan ng clinic ni Lira, labis ang pagkamangha nya sa kanyang nakikita.
" This is my office, and this will be your temporary table " sabay turo ni Lira sa bakanteng lamesa na di kalayuan sa kanya " for now dito ka muna habang inaayos pa ang magiging office mo "
" Magiging tauhan mo ako? " dismayadong tanong ni Beatrice sakanya. Nabigla si Lira ngunit agad din itong ngumiti.
" Syempre hindi, d-dalawa tayong mag papatakbo dito sa clinic, but first, you need to familiarize everything here hanggang sa matuto kana---"
" Except lang syempre sa mga operation sa mga client kasi di ka naman doctor " singit ni Lucy. Nilakihan naman ito ng Mata ni Lira, binalewala naman ito ng kaibigan.
" Oo nga pala Lira by 10am my operation ka. Don't be late, big client to asawa ni Governor " pag iiba ng usapan ni Lucy.
" Sige, magaasikaso na ako. Ikaw na bahala sa kanya " aniya kay Lucy.
"Paki dalhan na lang ng pagkain or anything para hindi sya maboring, thank you. " tumango lamang sa kanya ang kaibigan at nagpaalam na rin ito kay Beatrice.Habang patungo sa operating room si Lira ay nakatanggap sya ng text mula kay Martin. Hindi nya mapigilan ang mapangiti matapos mabasa ang mensahe nito.
Walang gana na umupo si Beatrice matapos umalis ni Lucy sa opisina. Naiirita rin ito sa kanya at kung hindi lang ito kaibigan ni Lira ay baka nasagot sagot na nya ito nang pabalang kanina habang tinatanong kung anong gusto nyang pagkain.
" Kahit ano na lang " sagot nya.
" Walang kahit ano na lang na pagkain dito " sabay pekeng ngiti ni Lucy.
Yumuko na lamang si Beatrice sa kanyang lamesa at sinubsob pa nang maiigi ang kanyang mukha sa braso at dito binaling ang inis. Hindi nya alam kung ilang minuto na syang naghihintay at nakatunganga roon. Halos masimot na rin nya ang mineral water na dinala ng isang empleyado. Wala rin atang balak na dalhan sya ng kahit anong pagkain ni Lucy.
BINABASA MO ANG
The Black Dahlia
RomanceKailan man ay hindi sumagi sa isip ni Lira ang magkaroon ng sariling pamilya, para sa kanya ay sapat na ang kanyang magulang. Bilang natitirang isang anak obligasyon nyang ibigay ang kaligayahan ng mga ito kaya mas nagsumikap sya sa buhay upang hind...