"Oh, san ka galing kuya? Pormang porma ka pa ngayon ah" Bungad ni Martha sa kanyang kuya pagpasok nito sa kanilang bahay."May pinuntahan lang akong party" sagot nito. May halong pagtatakang tiningnan ni Aling Susan ang kanyang anak. Bukod kasi sa hindi ito lasing, masyado pa maaga para umuwi ito.
"May pagkain pa ba?" Sabay buklat ni Martin sa mga kaldero " Ayos, ginisang sardinas. Mapaparami kain ko nito"
"Akala ko ba galing kang party? Bakit gutom ka?" Takang tanong ni Martha, sandaling napahinto si Martin, napatingin sa kanyang ina at agad umiwas ng tingin.
"Alam nyo namang hindi ako sanay sa mga party-party na yan. Tapos mga pagkain nila hindi ko kilala. Tsaka namiss ko na mag-ulam nito no, sarap kaya" sagot ni Martin habang sunod-sunod ang subo.
"Hmp, halos ganyan nga lagi ulam natin e" natawa na lamang si Martin sa kanyang kapatid. Nang mapagisa ay unti-unti nawala ang kanyang ngiti, hindi nya alam na kanina pa sya pinagmamasdan ng kanyang ina.
"Nay" aniya sa kanyang ina nang umupo ito sa kanyang harap.
"Alam mong ayoko sa lahat yung naglilihim ka sa akin, hindi ba?" Tututol pa sana si Martin ngunit napansin nyang seryosong nakatingin ang kanyang ina. Napahinga na lang nang malalim si Martin.
"May gusto po sana akong sabihin sainyo nay...." sandali natahimik si Martin, saka muling nagsalita "kami na po ni Lira" napahigit ng kanyang hininga si Aling Susan, hindi ito ang iniisip nyang sasabihin ng kanyang anak. Hindi nya rin akalain na sa mabilis na panahon ay magiging mag kasintahan ang dalawa.
"Alam ba ng kanyang magulang?" Umiling si Martin. Hindi na nagtaka pa si Aling Susan kung maging sikreto man ang kanilang relasyon. Para sa kanya, sino ba namang magulang ang papayag na mapunta ang kanilang nagiisang anak sa isang mahirap? Isang napakayamang pamilya ang Sebastian at parang butil ng buhangin lamang ang kanyang anak.
"Mukha namang wala na akong magagawa pa at nakapag desisyon kana, Martin. Ang hiling ko lang ay maging masaya ka at huwag ka na sana muling masaktan pa" Napa-angat ng tingin si Martin nang tumayo ang kanyang ina.
"Pero kung ako ang tatanungin? Hindi ako sang ayon sa inyong relasyon. Isang malaking problema ang pinasok mo anak" saka tuluyang pumasok sa kanilang kwarto si Aling Susan, si Martin naman ay naiwan magisa sa lamesa at halos manakit ang ulo sa sinabi ng kanyang ina.
*****
Halong pagod at puyat ang pamilya Sebastian matapos ang welcome party para kay Mira. Sobrang excited at saya ng dalaga habang pinapasok sa kanilang tahanan ang iba't-ibang regalong kanyang natanggap mula sa mga bisita.
"Are you happy, Mira?" Masayang tanong ni Mary sa kanyang anak.
"Oho naman, ngayon lang ako nakatanggap ng ganito karaming regalo kahit hindi ko pa naman kaarawan" agad na napalibutan ng luha ang mata ni Mary dahil sa kanyang narinig. Nakaramdam ito ng awa para sa kanyang anak. Para sa kanya ay kulang pa ang lahat ng ito para makabawi sa panahong hindi nila nakasama si Mira.
"Hayaan mo anak, lahat ng gusto mo susundin namin ng daddy mo. Kung ano ang kailangan mo at mapag papasaya sayo gagawin namin lahat, Mira" sabay yakap nang mahigpit sa kanya ni Mary. Hindi mapigilang mapangiti ni Mira, napayakap na rin ito nang mahigpit at nagpasalamat.
Sa kanya namang kwarto, tanaw ni Lira ang kanyang kapatid at ina, maging sya ay napapangiti dahil sa kanyang nakikita. Masaya sya para sa kanyang mga magulang, sa wakas ay nagbunga ang kanyang pagsisikap na mahanap ang kambal. Ngunit sa kabila nito ang tinatagong lungkot.
Habang nagpapalipas ng oras, lakad-parito sya habang naghihintay na makapasok sa kanyang kwarto si Mira ganoon din sa kanyang magulang. Gusto nya kasi makausap ang kapatid, humahanap lang ito ng tyempo na tulog na ang magulang, iniiwasan na may makarinig sa kanilang paguusap.
BINABASA MO ANG
The Black Dahlia
RomansaKailan man ay hindi sumagi sa isip ni Lira ang magkaroon ng sariling pamilya, para sa kanya ay sapat na ang kanyang magulang. Bilang natitirang isang anak obligasyon nyang ibigay ang kaligayahan ng mga ito kaya mas nagsumikap sya sa buhay upang hind...