Chapter 4
Ilang araw na ang nakakalipas simula nang mangyari ang insidente. Simula din nang araw na yon ay hatid sundo na rin si Lira ni lucas sa kagustuhan na rin ng kanyang magulang. Labag man sa loob niya ay hindi na sya tumutol pa. Ayaw nya madagdagan pa ang problemang ginawa nya at para na rin sa ikapapanatag ng kanyang magulang lalo na ni Mary na labis na nag-alala sakanya.
" Huy Lira nakikinig ka ba? " bumalik sya sa ulirat nang sigawan sya ni Lucy. Hindi nya namalayan na napatulala na lang sya habang nakikipag usap sa kaibigan. Nasa opisina sya ngayon at dapat ay may meeting sa ibang co-doctors nya. Ngunit ilang araw na sya wala sa sarili, para bang lutang ang utak. Ilang araw na kasi sya binabagabag ng kanyang binabalak at plano.
" What if, I will give a chance lucas? " seryosong saad ni Lira sa kaibigan. Napanganga naman si Lucy at napasandal sa kanyang kinauupuan.
" What do you mean? Papayag ka na magpaligaw sakanya? " umiling naman si Lira na ikinunot naman ng noo nito.
" No, papayag na ako mag pakasal sakanya " halos masamid naman si Lucy sa sarili nyang laway sa kanyang narinig. Inaantay nyang matawa si Lira ngunit hindi nagbabago ang reaksyon nito at tila serysoso sa sinabi.
" What the f*ck Lira wala nang jowaang magaganap? As in pakasal na agad? " Di makapaniwalang tanong nito, tumango-tango naman si Lira na ikinailing lalo nito. " Hindi ko alam kung seryoso ka dyan sa iniisip mo Lira, pero alam ko at alam mo sa sarili mo na wala kang gusto sakanya "
" I know, pero baka makakabuti ng maging kami ni Lucas, malay mo, someday magising na lang ako mahal ko na sya at... " sandaling tumigil si Lira at humina bahagya ang kanyang boses sa kanyang huling sinabi " at baka para mapanatag at maging masaya na rin si Mommy at Daddy "
" Eh ikaw? Magiging masaya ka ba dyan sa binabalak mo? " mabilis na basag sakanya ni Lucy. Hindi naman agad sya nakapag salita, maging sya ay hinahanap nya ang tamang kasagutan kung magiging masaya ba sya sa kanyang pinaplano.
" Siguro oo " walang gana nyang sagot.
" Baka sa ganitong paraan mabawasan ko ang pag-aalala nila sakin kung mag-aasawa na ako " kasabay nito ang pagdaan nang katahimikan. Hindi nila alam pareho ang sasabihin sa isa't-isa. Kilala ni Lucy ang kaibigan. Pag dating sa pamilya ay walang hinihindian si Lira, kahit kapalit pa nito ay sarili pa nyang kaligayahan. Gusto man nya magalit o pigilan sa binabalak nito alam nyang desidido na ito." Kailan mo balak sabihin yan kay Lucas? " iritang tanong ni Lucy.
" Mamaya " walang ganang sagot ni Lira sabay tingin sa kaibigan. Napairap na lang sa ere sa Lucy at napailing.
" Haaay ewan ko sayo, malaki kana alam mo na ang tama at mali " sabay tayo nito " pero kung ako tatanungin mo? Tanungin mo nang paulit-ulit ang sarili mo " saka sya tuluyan nang umalis at naiwang mag-isa at gulong-gulo si Lira.
Pasado alas kwarto ng hapon nang dumating si Lucas sa clinic ni Lira. Naghintay na lamang ito sa sala ng opisina niya dahil may pasyente pa raw ito. Hindi man ito gawain ni Lira na tumanggap pa ng trabaho pag malapit na sya umuwi, sinasadya nya lang ito upang maghintay si lucas sakanya. Mag aalas sais nang ito ay matapos. Halos isang oras din ang hinintay ng binata sakanya. Pagbukas ng pinto ni Lira ay sya namang mabilis na pagtayo ni Lucas, kahit na matagal na naghintay ay pinakita pa rin nito ang pagkasabik at nagbigay nang matamis na ngiti sa dalaga.
" Sorry kung napaghintay ulit kita " anito sa binata sabay sabit ng kanyang lab coat.
" It's okay Lira " ngiting sagot ni Lucas at lumakad papa lapit sa kanya " kaya kong maghintay kahit gaano pa katagal " napalunok ang dalaga sa mahina at nangaakit na boses nito. Pilit syang ngumiti sa harap nya, hindi na lang nya pinansin ang magkalapit nilang distansya at inaya na lang ito umuwi. Sa tinagal tagal na pagpaparamdam sakanya ng kaibigan ay ngayon lang sya nangilag. Hindi naman bago sakanya ang pagpaparamdam nito, pero hindi nya maintindihan ang sarili kung bakit nag-iba ang pakiramdam sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Black Dahlia
RomanceKailan man ay hindi sumagi sa isip ni Lira ang magkaroon ng sariling pamilya, para sa kanya ay sapat na ang kanyang magulang. Bilang natitirang isang anak obligasyon nyang ibigay ang kaligayahan ng mga ito kaya mas nagsumikap sya sa buhay upang hind...