Chapter 13

22 2 0
                                    

Chapter 13

Maagang gumising si Beatrice upang pumunta kela aling Belen. Kailangan nya kasi mauna sa pagpili ng mga sariwang gulay na kanyang ilalako. Pagkatapos maghilamos at mag sipilyo ay saglit na sinuklay lamang ang magulong buhok saka tinali ng rubber band.

" Iha, anak. Heto ang kape, umiinom ka muna nang mainitan naman yang sikmura mo bago ka umalis " sabay abot ni Nanay Gloria sa kanya ng baso. Malapad na ngiti naman ang ginanti ni Beatrice sa kanyang mahal na nanay at walang arteng ininom ang lahat ng laman nito, hindi ininda ang init o kahit ang mapaso. Sa kabila ng kanyang edad ay parang bata pa rin kung ituring ni nanay Gloria si Beatrice. Hindi nagbago kahit na dalaga na sya at kahit wala na ang kanyang lolo isko, kaya ganun na lamang ang pagpapasalamat nito dahil sa labis na pagmamahal ng itinuring na nyang isang ina.

" Ang swerte ko talaga sainyo nanay " aniya sa matanda sabay yapos mula sa likuran nito. " Masaya po ako na kayo ang magulang ko " lihim na napasinghap ang matanda, alam nila ang katotohanan na ibinigay lamang sa kanila noong sanggol pa lamang si Beatrice. Ngunit linggid sa kaalaman ng dalaga ang tunay na katotohanan. Dahan- dahan humarap ang matanda sa kanya at inayos ang suot na kupas na pulang polo na pagmamay ari ng yumao nyang asawa.

" Sige na anak, malayo pa ang lalakarin mo, baka maunahan ka pa ng ilang mamimili at lanta pa ang maibenta mo "pagbibiro ng matanda. Agad naman tumalima si Beatrice at nagtungo sa kwarto. Sinilip ang kanyang kapatid at dahan-dahan na lumapit dito, hinaplos ang buhok at hinagkan ito sa noo. Bago pa man din umalis ay humalik sa kanyang nanay at nagmano. Masayang umalis ng kanilang tahanan at nagtungo na kanila aling Belen.

Magliliwanag na ng makarating si Beatrice. Agad syang naglakad nang mabilis ng mapansin nyang nagkukumpulan na at naguunahan na sa pagpili ng mga ititinda ang katulad nyang naglalako. Agad syang nakipagsiksikan sa mga tao at nakipag balyahan para lang makapunta sa unahan.

" Hoy, Hoy! huwag nyo ako ubusan ng ititinda, tapos ititira nyo sa akin mga nalamog nyo na " Bulyaw nya habang patuloy sa pakikipag-agawan.

" Nako! Andito nanaman yung siga ng palengke, kararating lang gusto nya sya agad mauuna " sagot naman ng isang babaeng nakataas ang kilay habang patuloy sa pag lalagay ng gulay sa kanyang kaing, sumang-ayon naman ang iba at halatang naiinis sa kanya. Napailing-iling na lang ito habang natatawa sa kanyang naririnig. Hindi naman na ito bago sa kanya, ramdam nyang ilag sa kanya ang ilang tindera na mga dati nyang kaibigan. Simula kasi nang sa kanya na halos bumibili ang dating suki ng mga ito ay unti-unti lumayo na sila sa kanya.

" Alam nyo naman, basta mga kabit walang pakialam. Kahit hindi naman sya ang nauna aagawin talaga mapunta lang sa kanya " sabat ng isang babae na halos kaedad din ni Beatrice, nagtawanan din ang ilang tindera sa sinabi nito. Dahil sa kanyang narinig sandali syang natigilan sa kanyang ginagawa, Alam nyang sya ang pinaparinggan nito dahil sa pagkakaroon ng alitan nilang dalawa. Hindi katulad ni Beatrice na isa pa ring dalaga, ang dati nyang kaibigan ay may asawa na at dalawang anak. Kaya ganun na lamang ang pagkainggit ng ilang babae sa kanilang lugar dahil bukod sa wala pa itong asawa, pansinin sya ng mga kalalakihan. Gusto sana itong patulan ni Beatrice pero mas pinili nyang manahimik dahil mapapaaway nanaman sya.

" Hayaan mo na yan si Tanya " napaligon si Beatrice sa lalaking nagsalita sa kanyang tabi. Si Anton, isang kargador sa palengke at kaibigan nya. Mas bata ito sa kanya ng ilang taon, kaya turing nya dito ay nakakabatang kapatid. " Alam mo naman Bitter. Hindi pa rin makamove on " sabay hagikgik nito, natawa na rin si Beatrice.

" Kasalanan ko bang magkagusto sakin asawa nya? "

" Sabi ko naman sayo sagutin mo na ako, para tigilan ka na ng mga manliligaw mo " Biro pa nito.

" Isa ka pa, ang bata mo kumpara sa akin. Wala akong sasagutin sainyo. Tsaka may naghihintay sa akin na mapapangasawa ko " kumpyansang sagot ni Beatrice.

The Black DahliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon