Chapter 16

24 2 0
                                    

Chapter 16

" Asan ka na ba? Kanina pa naghihintay sila Tita Mary at Tito Liam "

" Oo na, oo na. Eto na nga oh, madaling-madali na ako " tugon ni Lira sa nagmamadaling si Lucy.

Patungo ngayon sila sa Mansyon ng Sebastian. Tumawag kasi ang kanyang ama na umuwi muna sa kanila dahil miss na miss na sya ng kanyang ina at may mahalagang sasabihin ito sa kanya. Halos hindi naman magkanda umayaw ang dalawa sa pagmamadali, na late rin kasi ng gising si Lira kaya tanghali na sila nakapag-ayos.

" San ka ba kasi galing kagabi? Bakit parang puyat na puyat ka " Tanong ni Lucy habang nag memake up sa loob ng sasakyan. Saglit na napatingin si Lira sa kanya at muling bumalik ng tingin sa kalsada. Napagpasyahan kasi nila na sya na ang magdrive papunta sa kanilang bahay. Bukod sa marunong na sya ay para na rin makabisado nya ang daan papunta sa kanilang mansyon.

" May inasikaso lang ako " aniya, umakto naman na hindi naniniwala si Lucy sa kanya. Na pinagtawanan na lamang nya. Ilang oras di ang binyahe nila at nakarating na sa bahay ng mga Sebastian. Sa hapag kainan ay pinagsaluhan nila ang tanghalian. Katulad ng dati masaya silang nagkwentuhan.

" How I wish na sana buhay pa si Liane " biglang tumahimik ang lahat sa sinabi ni Mary, ramdam sa kanya ang lungkot at pangungulila sa panganay nitong anak. " Siguro ay malalaki na ang apo natin sa kanya, o baka kay Mira kung kasama natin sya " mababakas sa mukha ni Mary ang pangungulila sa kanyang nawalay na anak.

Gustuhin man ni Lira na magsalita may kung anong nakabara sa lalamunan niya para mahirapan maging sa paglunok. Hindi nya alam kung paano mapapagaan ang kalooban ng kanyang ina.

" Nako tita Mary, huwag kayong mag-alala malapit na kayo bigyan ng tagapagmana ni Lira " singit ni Lucy upang maiba ang usapan. Ang lahat naman ay agad na napatingin sa kanya, maging si Lira ay takang napalingon.

" What do you mean? " seryosong sambit ni Liam, agad kinabahan si Lira na napatingin sa kanyang ama.

" Eh kasi tito, nitong mga nakaraang araw... aww " hindi na natuloy ang sasabihin ni Lucy nang pasimpleng sinipa sya ni Lira sa paa. Gustuhin man nya magsalita hindi nya alam kung anong sasabihin dahil sa kadaldalan ng kanyang kaibigan. Mabuti na lamang at hindi na muli nagtanong ang kanyang ama hanggang matapos sila sa pagkain.

Sa kwarto ng kanyang magulang sinamahan ni Lira ang kanyang ina na nagpapahinga. " Totoo ba ang sinabi ni Lucy ? bibigyan mo na daw kami ng apo? " birong tanong ni Mary, pekeng natawa naman si Lira at sabay iwas ng tingin.

" Mommy naman, nagpapaniwala ka don " tugon niya

" Ano naman? Nasa tamang edad ka na naman Lira at handa na magkaroon ng sariling pamilya " hindi sya sumagot at pilit na lamang ngumiti. Hinawakan ni Mary ang kanyang kamay at bahagyang hinaplos ito " Anong kinakatakot mo? Ayaw mo bang maging masaya ? " agad na napalingon si Lira sa kanyang ina, seryoso ito habang nagaantay sa kanyang sagot.

" Masaya naman po ako Mommy kasama ko kayo at malakas pa kayo, yun ang importante "

" Hindi yun ang tinutukoy ko, ito " sabay turo sa kanyang puso " masarap sa pakiramdam ang may minamahal Lira, ang taong makakasama sa hirap at ginhawa at kasamang tumanda " huminga sya nang malalim at lumapit pa kay Mary.

" Mukhang Malabo makahanap ng katulad ni daddy, yung hindi ka sasaktan at iiwan " natawa naman si Mary habang naiiling pa na kanyang pinagtaka.

" Haynako anak, kung alam mo lang kung anong mga hirap at sakit ang pinagdaanan ko bago kami umabot sa ganito. Siguro kung hindi kami parehas naging matatag at hindi lumaban baka matagal na kaming magkahiwalay "

" Ibig sabihin kayo talaga ang pinagtagpo dahil mahal na mahal nyo ang isa't-isa "

" Pero hindi lahat ng pinagtagpo ay tinadhana " mabilis na sagot ni Mary " at hindi rin sapat na mahal nyo lang ang isa't-isa. Bukod sa pagmamahal kailangan nyo ng tiwala at maging tapat. Ilang beses ako pinaglaban ng daddy mo sa kabila ng ilang beses kong pagsuko, hindi sya bumitaw kahit anong pagsubok sa aming dalawa. Pero ang lahat ng ito ay hindi mararanasan kung hindi ka susugal, kailangan mo tumaya para maramdaman ang tunay na pagmamahal. "

The Black DahliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon