Chapter 21
Papungas-pungas pa ng mata si Martin nang magising. Agad syang napabalikwas sa sofa nang mapansing nasa ibang bahay sya. May naka kalat na kumot sa sahig, maging ang kanyang pang itaas na damit. Nilibot nya ang kanyang paningin sa kwarto. Malinis at maaliwalas kumpara sa kanilang bahay.
" Good Morning " agad syang napalingon sa may malamyos na boses, pinasadahan nya ito ng tingin. Lalong nanakit ang ulo ni Martin ng makitang robe lamang ang suot ni Lira at may hawak na tray na puno ng pagkain. Napatingin sya sa kanyang sarili na pantalon lamang ang suot.
" A-anong nangyari? " takang tanong niya, napakunot noo naman si Lira " I mean, anong ginagawa ko dito? May ginawa ba akong masama sayo? Nanggulo ba ako? " mahinang natawa naman si Lira sa sunod-sunod nyang tanong.
" Nothing, pinahirapan mo lang naman ako " sabay lapag nya ng tray sa lamesa. lalong nakaramdam naman ng konsensya ang binata " M-may nangyari ba? " sa unay nanlaki ang mata ni Lira hanggang sa unti-unti itong natawa
" Of course Martin. Wala no! bigla-bigla ka na lang sumulpot sa parking area. At dahil sa sobrang kalasingan mo di mo na alam pinagsasabi mo " sabay iling-iling nito, napansin nya ang pananahimik ng binata kaya sumeryeso na rin ito. " May problema ba? " agad na umiling si Martin.
" W-wala. Napainom lang ako kagabi, birthday kasi ng katrabaho ko " ngumiti na lamang si Lira at tumango. Niyaya na nya ito kumain, minabuti na rin nya na hindi itanong o banggitin pa kung anong mga nasabi ni Martin habang ito ay lasing.
Sabay silang bumaba ng unit at kapwa tahimik kahit sa hallway, may ilan na napapatingin kay Martin dahil sa bago lang ito sa kanilang paningin. Mas nasanay na rin kasi ang mga tao sa building na iyon na si Lucas ang laging kasama ni Lira. Habang patungo sa parking area may biglang tumawag sa pangalan ni Lira, pagkalingon nya ay nanlaki ang kanyang mata.
Lakad takbo si Lucas habang ito ay papalapit, may dala pa itong bulaklak para sa kanya." Kanina pa kita hinihintay sa sasakyan " anito sabay tingin kay Martin, maging si Lira ay napatingin din sakanya. Naghihintay ang dalawa kung anong sasabihin ng dalaga.
" W-what are you doing here Lucas? I thought nasa u.s ka pa? "
" Kakauwi ko lang kanina, kaya dumiresto na ako dito " tugon nito habang nanatiling nakatingin kay Martin. Maging si Martin ay nakipagtitigan din dito kayat mas naramdaman ni Lira ang tension sa pagitan ng dalawa. Lumunok muna ito bago magsalita.
" I'm sorry Lucas, but we have to go. May pupuntahan pa kasi kami " takang napatingin sa kanya ito at di makapaniwala na mas pinili ni Lira si Martin kaysa sakanya. Hindi na hinintay ni Lira na magsalita si Lucas at agad na hinila sa kamay si Martin. Alam nyang masasaktan si Lucas sa kanyang ginawa pero mas inisip nito si Martin.
Bahagya namang nagtaas ng gilid ng labi si Martin saka sumunod kay Lira , hindi na namalayan ni Lucas na napapahigpit na ang kapit nya sa hawak nyang bulaklak na halos ikabali na ng tangkay at ikalagas na ng mga petals nito. Wala itong magawa kundi ang pagmasdan na lang ang papaalis na sasakyan ni Lira.
" Mukhang kailangan ko na talaga maghigpit sayo " basag sa katahimikan ni Martin habang patuloy sa pagmamaneho, sandaling napatingin sa kanya si Lira at agad din nagbalik tingin sa kalsada. Gusto sana magsalita ni Lira ngunit pinili na lang nito manahimik. Hindi alam ng dalaga kung saan patungo ngayong kasama nya si Martin
" May gagawin ka ba sa clinic ngayon? " Muling tanong ni Martin " Wala naman, just checking some my patients " mahinang tugon ni Lira. Hindi na ito tumutol pa nang anyayahan sya ni Martin na magtungo sa isang lugar. Di maglaon, napansin ni Lira ang pagbagal ng kanilang sasakyan, sa labas nito ay madaming taong naglalakad sa labas, may mga ibat-ibang paninda na nasa gilid ng daan. Bago sa kanyang paningin.
BINABASA MO ANG
The Black Dahlia
RomanceKailan man ay hindi sumagi sa isip ni Lira ang magkaroon ng sariling pamilya, para sa kanya ay sapat na ang kanyang magulang. Bilang natitirang isang anak obligasyon nyang ibigay ang kaligayahan ng mga ito kaya mas nagsumikap sya sa buhay upang hind...