Chapter 11

24 4 1
                                    

Chapter 11

Tahimik lamang na nakadungaw sa bintana ng eroplano si Lira habang pabalik na ng Manila. Puno ng lungkot at panghihinayang ang kanyang nararamdaman dahil sa nangyari sa kanila ng kanyang kapatid. Pinili nya muna umuwi dahil bukod sa kailangan sya sa kanyang clinic ay ilang beses syang nakatanggap ng text, at email sa kaibigang si Lucy tungkol sa kanyang magulang.

Pilit man syang tanungin nito saan sya nanggaling at ano ang kanyang mga ginawa noong mga nakaraang araw ay pinili nyang ilihim at magsinungaling, ayaw nyang may makaalam na kahit sino tungkol sa pagkikita nila ng kanyang kapatid.

"Please, follow her and keep your eyes on her. Whatever happens " pagkatapos ay binaba na nya ang tawag. Malayo man si Lira sa kanyang kapatid ay nakasubaybay pa rin ang kanyang inutusang private investigator nasaan man ito. Hindi na sya nagtagal pa sa doon at nagpasya ng umuwi. Pagkababa ng eroplano ay agad sya sinalubong ng security guard at driver na pinadala ng kanyang ama na susundo sa kanya.

Sa mansion ng Sebastian sya tumuloy alinsunod sa utos ng kanyang ama. Hindi nya alam kung ano ang susulubong sa kanya, kung galit ba sermon o mapapagalitan sya ng mga ito. Isinantabi nya muna ang problema nya sa kanyang kapatid at inisip ang magulang. Matagal tagal din sila hindi nagkita kaya mas nangibabaw ang pagka miss nya sa mga ito lalo na sa kanyang ina na si Mary.

Papasok pa lang ang kanilang sasakyan sa loob ng gate ay tanaw na nya ang kanyang magulang na naghihintay sa labas ng kanilang pintuan. Hindi maiwasan ni Lira ang mapangiti kahit halos mangilid ang kanyang luha sa mata. Para syang batang nagbakasyon sa malayong kamag-anak at sa wakas ay makakauwi na sa kanyang pamilya.

Pagkahinto ay agad sya bumaba, mabilis na humakbang papalapit sa kanyang ina at hindi nya mapigilan lalo na mapangiti nang makitang maayos ang kalagayan nito. Isang mahigpit na yakap ang sinalubong nila sa isa't-isa, na parang taon na hindi nagkita.

" Jusko anak ko, saan ka ba nagpunta. Sobrang nag-alala ako sayo " saad ni Mary habang nanatili sa pagkakayakap. Hindi sumagot si Lira at dinama na lang ang init ng yakap. Pagkalas ay napatingin sya sa kanyang ama na nasa likuran ng kanyang ina.

" Lira " maikling sambit ito. Hindi sya nagsalita, para kasing nanakit ang kanyang lalamunan nang tawagin sya ng kanyang ama. Pagka kalas nya kay Mary ay sya namang yakap nya sa kanyang ama, halos makahinga sya nang maluwag ng yakapin sya nito nang mahigpit. Ang kanyang lungkot at pangamba ay nawala. Buong akala nya ay muling magagalit si Liam sa kanya.

" I'm sorry " mahinang sambit nito sa kanya.

" I'm sorry too, Daddy " at lalo pang humigpit ang yakap nya sa kanyang ama.

Masayang papasok ng kanilang tahanan ang pamilya Sebastian. Walang pagsidlan ng saya ang nararamdaman ni Lira, bukod sa nakita na nya ang kanyang kapatid ngunit nanatiling lihim pa rin ito sa kanya. Kahit kating kati na syang sabihin ito ay mas pinili nyang huwag sirain ang masayang araw nila.

" You want to enroll in a Driving school Lira? " halos masamid sa kanyang kinakain si Lira sa sinabi ng kanyang ama, napatingin sya rito habang patuloy sa pagkain, nawiwirduhan din sya sa masayang awra ng kanyang ina. " It's okay, actually I have something to tell you. Pinapayagan na kita bumyahe mag-isa. At kapag natuto ka na, mamili ka ng gusto mong sasakyan. That's my gift for you "

" Really dad? " halos hindi maitago ni Lira ang saya sa kanyang mukha. Nakailang tango si Liam bilang kumpirmasyon sa kanyang magandang balita sa anak. Nasa tamang edad na si Lira, tanyag na at kumikita na ng sariling pera. Ngunit lahat ng ito ay hindi mahalaga sa kanya, sa kabila ng kanyang natatamasa sa buhay ay importante pa rin sa kanya ang desisyon ng kanyang magulang.

" Sir, nandito na po ang hinihintay nyo " agad naman pinapasok ng kasambahay ang bisitang kanilang hinihintay. Walang ka idi-ideya si Lira kung sino ito, marahil ay isa sa business partner ng kanyang ama o hindi kaya ay kamag-anak nila. Hindi nya sunod na inaasahan ang bumungad sa kanilang hapag kainan.

The Black DahliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon