Chapter 19
Ilang saglit lang din ay nakarating na sila sa bahay na tinutuluyan ni Mira. Pagkatanggal ng seatbelt ay unang bumaba si Lira, napansin nyang bukas pa ang ilaw ng kwarto nito sa taas kaya maaring gising pa ang kanyang kapatid. Nakakadalawang beses pa lang syang nagdoorbell ng maya-maya ay dumungaw ito sa kanyang bintana, nang umilaw ang unang palapag ng bahay sakto din na pagtabi sa kanya ni Martin, sabay na inaantay ang pagbukas ng pinto at lumabas ang taong nakatira dito.
Habang nag hihintay biglang tumunog ang cellphone ni Martin na nasa kanyang bulsa, saglit itong nagpaalam kay Lira upang sagutin ang tawag. Maya-maya ay sya namang pag bukas ng gate at binungad si Mira, naka pantulog na ito na pajama at t-shirt, medyo magulo na rin ang kanyang buhok. Ngumiti si Lira sa kanya ngunit walang emosyon naman si Mira.
" Sorry kung naistorbo ko pagtulog mo, I just want to give you this " sabay abot niya ng paper bag kay Mira. Sinilip ni Mira ang laman nito, nabigla at natuwa man ay pinilit nyang itago ito
" S-Salamat " aniya
" Gusto mo bang pumasok muna? " umiling si Lira, tumango lang naman si Mira habang nanatiling walang emosyon ang kanyang mukha. Napansin naman nya ang lalaking naka sandal sa sasakyan habang may kausap sa cellphone nito, bahagya itong nakatalikod kaya hindi nya makilala kung sino iyon.
" May kasama ka? " muli nitong tanong, sinundan naman ng tingin ni Lira ang direksyon ni Martin. " Oo " nakangiti nitong sagot.
" Syota mo? " bahagyang nagulat si Lira at bahagyang natawa dahil sa ginamit na salita ni Mira kasabay rin noon ang pamumula ng kanyang pisngi " H-hindi, just a friend "
Muling napatingin si Mira sa lalaking kasama nya, bahagyang madilim sa kinatatayuan nito kaya hindi nya maaninag ang kabuuang mukha ng lalaki. Busy pa rin kasi ito sa pakikipag-usap sa cellphone.
Hindi rin nagtagal at nagpaalam na rin si Lira sa kanyang kapatid, lumapit na rin ito kay Martin at tahimik na naghintay na matapos sa kanyang pakikipag usap.
" Pasensya ka na napaghintay kita, tumawag kasi yung kapatid ko " aniya kay Lira nang ibaba nya na ang tawag, mabilis nya rin itong nilagay sa kanyang bulsa
" Okay lang " nakangiting sagot nito, napansin naman ni Martin na wala na ang kausap nito at sarado na ang gate
" Hindi na kita napakilala kay Mira, she need to rest. Sorry din kasi " sandali syang tumigil at humugot nang malalim na hininga " Pinakilala kitang kaibigan " pinakiramdaman nya si Martin kung ano magiging reaksyon nito. Inaantay nya kung ano sasabihin ng binata at baka isipin nito na ikinakahiya nya kung anong meron sa kanilang dalawa.It's her first time to have a boyfriend, she trust Martin and Mira pero hindi pa sya handa sa ganitong bagay. Hindi nya alam kung ano ang dapat gawin lalo na at mabilis ang pangyayari. Taka syang napatitig kay Martin ng ngumiti ito sa kanya.
" It's okay Lira, kung gusto mong ilihim ang relasyon natin sa pamilya mo rerespetuhin ko "
" Hindi naman sa ganun Martin---" mabilis na putol ni Lira " May... May kailangan lang ako dapat unahin. Ayoko lang madissappoint ang magulang ko " halos manghina ang kanyang boses dala ng labis na pag-aalala." Naiintindihan ko " sabay sinop ni Martin sa takas na buhok ni Lira sa kanyang tenga. Hinawakan nya rin ang magkabilang pisngi ng dalaga at pinagkatitigan ang makinis nitong mukha. " Pero sana handa ka na ipakilala kita sa pamilya ko, bilang babaeng papakasalan ko " agad na napangiti sa Lira, sa sobrang saya ng kanyang puso ay halos mangilid na rin ang luha sa kanyang mata. Nakailang tango ito na animoy inaalok na ng kasal. Nagyakap sila nang mahigpit at kapwa inaalis ang alinlangan sa kanilang relasyon.
" Sa condo na lang muna ako uuwi, kailangan ko na bumalik sa clinic bukas " sagot ni Lira nang tanungin sya ni Martin kung saan sya ihahatid nito. Bumaba na si Martin pagkarating sa parking lot, kinuha ang motor nito at huminto sa tapat ng bintana ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
The Black Dahlia
RomanceKailan man ay hindi sumagi sa isip ni Lira ang magkaroon ng sariling pamilya, para sa kanya ay sapat na ang kanyang magulang. Bilang natitirang isang anak obligasyon nyang ibigay ang kaligayahan ng mga ito kaya mas nagsumikap sya sa buhay upang hind...