Chapter 17

20 3 0
                                    

Chapter 17

"Mukhang uulan pa ata " sabay silip sa labas ng sasakyan ni Martin nang mapansin nyang makulimlim ang langit, maging si Lira ay napatingin din. Muli na lang ulit nilang tinuon ang mata at atensyon sa kalsada at hindi pinansin ang nagbabadyang sama ng panahon.

" Gusto mo ba na ikaw na ulit ang magmaneho? " tanong ni Martin, ngumiti lang naman sa kanya si Lira at umiling " Mamaya na lang ulit paguwi " tugon nya. Tumango- tango naman si Martin, bahagyang humawak sa kanyang baba at muling nag-isip kung ano pa ang pwede nyang masabi. Ramdam kasi nya ang biglang pagtahimik ng dalaga.

" Medyo maaga pa no? " sabay mahina nyang tawa " S-Saan mo gusto pumunta? O baka may gusto kang puntahan natin? " Sandali natigilan si Lira at nilingon sya, napaisip sa tanong nito.

Huminto sila sa lugar kung saan sinuhestiyon ni Lira, ang sikretong batis na pinagdalhan sa kanya ni Martin. Matapos ipark ang sasakyan sa ligtas na lugar ay nagtungo na sila doon, katulad noon tahimik lang sila naglakad patungo sa batis hanggang sa makarating sila.

Sabay silang umupo sa malaking bato, tinanggal ang suot na sapatos at sandalyas saka tinampisaw ang paa sa malamig na tubig. " Gusto mo ba ulit maligo? " Nakangiting tanong ni Lira " Hindi na, baka gabihin tayo, masermunan pa ako ng daddy mo " natatawang sagot ni Martin maging sya ay natawa na din.

" Mukhang mahigpit si Sir Sebastian sayo no? Sabagay kahit ako magiging mahigpit pagdating sayo " Ramdam ni Martin ang pag-iwas ng tingin ni Lira sa kanya, lihim syang nainis sa sarili dahil pakiramdam nya ay ay isa syang ambisyoso at masyado syang mabilis para magtapat sa dalaga.

" A-Ang I-Ibig kong sabihin Ms. Sebas-- este Lira, dahil sa nag-iisa kang anak kaya kahit sino paghihigpitan ka " mautal-utal nyang saad.

Sandaling dumaan ang katahimikan sakanila nang muli magsalita si Lira
" Hindi ako iisang anak " mahinang tugon ni Lira, takang napatingin naman sa kanya si Martin
"Meron akong kapatid si ate Liane, namatay sya noong bata pa dahil sa sakit. Bukod kay ate Liane, ang isa ko pag kapatid ay nakidnap naman noong baby pa kami " nakaramdam ng awa sa kanya ang binata dahil nag-iba ang tono ng pananalita nito, halatang nagpipigil ng emosyon. Naka ilang lunok pa ang dalaga at tumingala sa langit.

"Hindi masaya ang mag-isa Martin, sa kabila nang mag-isa kong natatamasa ang lahat,kaakibat naman nito ang lungkot at sakit dahil araw-araw ko rin nakikita ang pangungulila ng magulang ko sa kanila. Kailanmay hindi ako naging sapat " Hindi na namalayan ni Lira ang pagdaloy ng luha sa kanyang pisngi. Dahan-dahan ito pinunasan ni Martin na kanyang ikinagulat. Hindi man sabihin ni Lira ang lahat ng kanyang tunay na nararamdaman para kay Martin sapat na ang kanyang nakitang pagpatak ng luha mula sa kanya.

"Kahit kailan hindi ka naging kulang at hindi mo kailangan maging sapat para mahalin ka" halos manlabo ang mata ni Lira ng mapatingin sa mata ni Martin, sa pamamagitan nito ay pakiramdam nya ay parang naiintindihan sya ng binata. Nakahanap sya nang kakampi at nakakaunawa sa lahat ng kanyang tunay na nararamdaman.

"Hindi ko alam kung ambisyoso ako o tanga dahil sa sasabihin ko, pero dibale magmukhang tanga kesa maging duwag. Ayoko pagsisihan araw-araw na hindi ko nasabi sayo na... mahal kita, Lira Sebastian " sandaling tumahimik ang paligid ng dalawa. Kasabay nang pagtatapat ni Martin ang pagbuhos ng ulan, napatingala si Lira kaya ang bawat patak ay dumaloy na rin sa kanyang mukha. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ng dalaga, sinasalo ito na parang isang malaking biyaya.

" Tara na Lira, nababasa ka na ng ulan " yaya sa kanya ni Martin ngunit nginitian lang sya lalo ng dalaga. Tumayo ito at laking gulat ng binata nang hubarin nito ang kanyang t-shirt. Napalunok nang malaki si Martin ng makita nyang nakasuot na lamang ito ng itim na bra, hindi nya rin makuhang mai-iwas ang mata sa maputi at makinis nitong balat.

The Black DahliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon