Namasyal si Lira at Martin sa isang mall, napag usapan ng dalawa ang nangyari nung gabi sa party. Naintindihan naman ng binata ang paliwanag ni Lira at nagka ayos.
Pagkatapos nila kumain sa isang restaurant ay naglakad lakad sila sa seaside habang magkahawak-kamay at masayang nagkukwentuhan. Sandali sila huminto na pinagtaka ni Lira. Maya-maya pa ay niyakap sya nang mahigpit ni Martin, napangiti si Lira at yumakap na rin sa kanya.
"Sana araw-araw tayong ganito, sana malaya kitang yakapin at halikan kahit nasaan man tayo" sandaling natigilan si Lira at tinitigan sa mata si Martin. Ngumiti ito habang hinahaplos ang mukha nito.
"Sayo ko lang naramdaman ang magmahal ng ganito, ang kabahan, ang mag-alala nang sobra. Hindi ko alam kung anong ginawa mo bakit ako na inlove sayo" pareho silang natawa sa sinabi ni Lira
"Mahal na mahal kita, Martin" agad na nangilid ang luha sa mata nito na sya namang pagsiil ng halik sa kanya ni Martin.
Gabi na ng makarating sa bahay Sebastian si Lira at Martin. Hindi maipaliwanag ng dalawa ang kanilang nararamdaman, kapwa puno ng kaba ngunit mas nangingibabaw ang excitement nilang dalawa dahil plano na nilang ipaalam sa magulang ni Lira at gawing legal ang kanilang relasyon.
Magkahawak-kamay ang dalawa habang papasok sila sa mansion ngunit bago pa makapasok sa pinto ay bumungad sa kanila si Mira, lihim na nagulat ito nang makita nyang magkahawak-kamay ang dalawa.
"M-Mira??" Takang sambit ni Lira sa kanyang kapatid nang bigla nitong paghiwalayin ang magka hawak-kamay nila ni Martin.
"Kailangan ka ni daddy, kanina ka pa nila mommy hinahanap" sabay hatak sa kanya nito papasok sa sasakyan.
"Teka, saan ba tayo pupunta?" Wala na nagawa si Lira at nagpatinuod na lang sa kanyang kambal. Hinawakan nya rin sa kamay si Martin at pumasok sa kotse. Lihim na nakaramdam ng inis si Mira sa nakita.
Sa isang hospital sila nagpunta, nag-aalalang nagtungo sa kanyang ama si Lira ng makita niya itong naka dextrose at mahimbing na natutulog, agad din syang nagtungo sa kanyang ina na halatang galing sa pagiyak.
"What happened mom?" Nagaalala nyang tanong.
"Bigla na lang tumumba ang dad mo sa opisina nya, over fatigue sabi ng doctor" sagot ni Mary, huminga ito nang malalim saka muling nagsalita. "Hindi ko alam paano ko mapagpapahinga sa pagtatrabaho ang ama mo lalo na ng mawala ang lolodad mo, kaya kahit matanda na walang tigil sa pag-asikaso rito."
Gustuhin man nilang magpahinga si Liam, ngunit ayaw naman nito ipagkatiwala basta-basta ang Sebastian Corp. Maging si Lira ay hindi alam kung paano makakatulong dito gayong may sarili itong negosyong pinapatakbo.
"Anong gagawin natin, mom?" tanong ni Lira.
"Your dad needs you this time, Lira. He really needs you"
Sandaling lumabas si Lira ng kwarto, napansin naman sya ni Martin na malalim ang iniisip. Agad itong lumapit at inalalayan ang nobya na umupo.
"Kumusta si sir Liam?" Tanong nya
"Okay na ang lagay nya, inaantay na lang magkamalay" hindi na muling nagtanong si Martin at dinamayan na lamang si Lira. Sakto namang paglabas ni Mira nakita nya ang dalawa, muli nanamang nakaramdam ng inis ang dalaga.
"Huwag ka mag-alala, Martin. Pag naging okay na si Daddy sasabihin ko sa kanya relasyon natin at magpapakasal na tayo."
"Kasal? Magpapakasal ka sakin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Martin, bahagya namang natawa si Lira sa naging reaksyon nito.
BINABASA MO ANG
The Black Dahlia
RomanceKailan man ay hindi sumagi sa isip ni Lira ang magkaroon ng sariling pamilya, para sa kanya ay sapat na ang kanyang magulang. Bilang natitirang isang anak obligasyon nyang ibigay ang kaligayahan ng mga ito kaya mas nagsumikap sya sa buhay upang hind...