Chapter 2Pagkarating, halos wala pa masyadong empleyado dahil sa sobrang aga nilang pumasok. Agad sya binati ng guard at medyo napadako ng tingin sa kanyang suot, binati na lang din ni Lira ang matandang lalaki at bahagyang tinakpan ang namantsyahang damit saka mabilis na nagdiretsyo na sa kanyang opisina
" Mabuti na lang may ilan akong damit na naiwan sa office ko kundi mukha kang taong grasang doktor dyan sa itsura mo " sabay abot ni Lucy ng halter top kay Lira, ngumiti lang ito at saka na nagtungo sa banyo upang magpalit. Habang unti-unti tinatanggal ang bitones na suot ay sandali sya napatigil, bigla sumagi sa isip nya ang pangyayari sa coffee shop.
" Bea " tawag sa kanya ng lalaki . Napa lingon sya rito dahilan para matitigan nya sa malayuan ang lalaki sa mukha, laking pagtataka nya na parang matagal na syang kilala nito. Pinilig nya ang kanyang ulo at pilit inalis ang iniisip.
Pagka upong pagka upo nya ay agad tinutukan ang tambak na trabaho buhat nang umalis. Tulad ng dati, ang halos araw-araw nyang routine. Magpakasubsob at pagkalunod sa trabaho.
" Come in " aniya nang marinig syang may kumatok sa pinto, habang tutok na tutok sa kanyang laptop pumasok ang isang babae, maiksi ang buhok nito na may pang lalaki ang gupit, may katamtaman ang tangkad at naka black leather jacket. Tumigil ito sa tapat ng lamesa ni Lira at hinihintay na tumingin sakanya, nang mapansin nyang tapos na ito sa kanyang ginagawa agad na binigay nito ang isang brown envelope.
Mabilis na kinuha ito ni Lira at nilabas ang nilalaman nito, pinagkatitigan nya ang litratong hawak nya. Kuha ng isang babae. Mahaba ang buhok nito at kulot, ang kulay ng balat nya ay morena na parang palaging naliligo at babad sa dagat.
" Ito na ba sya " Tanong ni Lira sa babae habang titig na titig pa rin sa mga litrato.
" Wala pa pong kumpirmasyon, pero ayon sa nakalap kong impormasyon, ampon lang sya ng dalawang matandang mag-asawa, may isang lalaki na nagbigay sakanila noong sanggol pa lamang iyan at nagbigay ng malaking halaga pa upang itago ang pagkatao nito at mananatali sa islang iyon " paliwanag ng babaeng imbestigador.
Lihim na napasinghap si Lira sa kanyang narinig, muling nabuhay ang kanyang pag-asa na buhay ang kanyang kambal. Malakas ang kutob niya na si Mira na nga ito, malayo man ang pagkakatulad ng kanilang itsura sa ngayon pero nararamdaman nya na ito na ang kapatid na matagal na nyang nawawala. Simula kasi nang magkaisip sya pinangako nya sa sarili nya na hahanapin ang kanyang kambal. Kaya nang magkaroon ng sariling negosyo at naging independent ay sya na mismo ang naglakad sa paghahanap sa kapatid.
Ilang taon man ang nakakalipas hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Lira na muli silang magkatagpo ng kanyang kambal. Muling mabuo ang kanilang nasirang pamilya.
" Tutukan nyo sya, huwag kayo titigil hanggang sa mapatunayan ko na sya ang kapatid ko " nag-angat sya ng tingin sa kausap " katulad ng dati, ayoko makarating to sa magulang ko maliwanag ba? " ma-awtoridad na sambit ni Lira, mabilis na tumango ang babaeng imbestigador at saka umalis.
Nang maiwang mag-isa si Lira ay saka sya napabuga nang malalim na hininga, hindi nya maiwasan na hindi kabahan sa kanyang lihim na ginagawa. Hindi kasi alam ng kanyang magulang ang paghahanap sa kanyang kambal, noon pa man ay ginawa na nila ang lahat upang mahanap ito. Halos maubos na ang kayamanan ng kanyang magulang para lang matagpuan ang kanyang kapatid ngunit lumipas na ang mahabang panahon bigo pa rin sila. Walang Mirang natagpuan.
Dahil sa nangyari, nagkaroon ng depression ang kanyang ina na si Mary, sa paglaki ni Lira ramdam nya ang kalungkutan sa kanilang bahay. Alam naman niya na mahal na mahal sya ng kanyang magulang pero sa kabila nito ay ramdam din ni Lira ang tinatagong lungkot at sakit lalo na ng kanyang ina. Hindi sya sapat, at naisip nyang ang nawawalang kapatid ang magpupunan at magbabalik sigla sa kanyang magulang.
BINABASA MO ANG
The Black Dahlia
RomanceKailan man ay hindi sumagi sa isip ni Lira ang magkaroon ng sariling pamilya, para sa kanya ay sapat na ang kanyang magulang. Bilang natitirang isang anak obligasyon nyang ibigay ang kaligayahan ng mga ito kaya mas nagsumikap sya sa buhay upang hind...