Chapter 10

23 4 0
                                    

Chapter 10



" Lola!!! " mabilis na nilingon ito ni Lira nang marinig ya ang pagsigaw ng bata, halos matulala at maestatwa sya ng makitang nakahiga na sa sahig ang matanda habang ang bata ay naka alalay sa ulo nito. Ngunit bago pa man sya makakilos ay isang malakas na boses ang lalong nagpahinto sa kanya.

Nilingon nya ang nagmamay ari ng boses, para syang nakakita ng multo para manigas mula sa kanyang pagkakatayo. Sinundan nya ng tingin ang babaeng patakbong lumapit sa matanda at sa batang paslit.

" Nay! " bungad nya sa mga ito

" Ano nangyari? " tanong nya pa sa batang lalaki, napansin naman nito ang pag tingin ng paslit sa kinaroroonan ni Lira, kaya nilingon na rin ito ng dalaga. At sa unang pagkakataon ay nagtama ang paningin ng dalawang babae.

Hindi malaman ni Lira kung ano ang iaakto, para syang nabuhusan ng malamig na tubig at matulala sa kanyang nakikita, ang isa namang dalaga ay napatayo habang titig na titig sa babaeng nasa loob ng kanilang bahay.

" Sino ka? " bungad nyang tanong dito, ngunit nanatiling pipe si Lira

" Anong ginagawa mo dito? Ikaw ba ang may gawa nito sa nanay ko? " sunod-sunod pa nitong tanong. Ngunit bago pa man makapagsalita muli ito ay tinawag sya ng kanyang nanay na nanghihina ang boses. Kaya mabilis niya ito dinaluhan, inalalayan ito ng babae sa pagtayo at ginabayan sa pag upo, mabilis na kumuha ng tubig at pinainom sa nanghihinang lola.

" Ayos lang ba kayo nay? " pag-aalalang tanong niya, tumango naman ang matanda kaya nakahinga ito nang maluwag. Ginayak na nya ito papasok sa loob ng kwarto upang makapag pahinga na, binilin nya ito sa batang lalaki na bantayan at saka lumabas. Hinarap ang babaeng hindi nya kilala na nasa loob ng kanilang pamamahay.

Kagat-kagat ni Lira ang kuko nya sa daliri sa kamay habang naghihintay, maya-maya ay lumabas na ang babaeng dalaga. Nang humarap ito sa kanya ay dito nya lang natitigan ang mukha nito ng buo sa malapitan. Halos magrambol ang tibok ng puso nya sa kanyang nakikita. Bagamat ito ay nahahawig sa kanya ay halatang may pagkakaiba pa rin sa kanila. Meron itong makapal, kulot at itim na mahabang buhok. Ang kanyang kulay ng balat ay kayumanggi, maputla ang mukha at labi. Ang kanyang damit na suot ay malaki na parang panlalaki, ang suot na tsinelas ay luma at gawa sa goma. Ang buong itsura nito ay halatang galing sa pagtatrabaho at babad sa tirik ng araw. Malayong-malayo sa itsura ni Lira, bagamat simple ay posturang postura naman. Ang kanyang buhok ay mahaba din ngunit halatang malambot at alaga. Ang kutis nya ay porselana na parang naliligo sa gatas. Ngunit sa kabila ng mga ito hindi maitatanggi ang pagkakapareho ng kulay at hugis ng kanilang mga mata.

Agad sya nagitla ng tumikhim ang babaeng ito sa kanyang harapan. Isang ngiti ang kanyang binungad dito, ngiting puno ng saya at pananabik.

" Mira----"

" Kung isa ka sa pinadala nya dito, mabibigo ka lang " mabilis na putol nito na pinagtaka ni Lira.

" Teka lang sandali, hindi mo naiitindihan---"

" Wala akong panahon na makipaglokohan o makipag usap sa hindi ko kilala. Kaya pwede ba umalis ka na " sabay turo nito sa kanilang pinto.

Inaasahan na ito ni Lira, ang hindi sya pakinggan at paniwalaan ng kanyang nawawalang kapatid. Alam nyang mahihirapan sya sa pag kumbinsi ngunit hindi sya nawawalan ng pag-asa na matatanggap sya pa rin nito. Kaya hindi nya sasayangin ang pagkakataon lalo na nasa harap na nya ang matagal na nyang hinahanap.

" Matagal na kitang pinapasundan, inalam ko muna ang pagkatao at nangyari sayo " malumanay nyang sambit, napangiti si Lira habang nakatitig nang mabuti sa kanyang kapatid, halos manakit na rin ang kanyang lalamunan sa sobrang saya na kanyang nararamdaman. Habang ang babaeng nasa harap nya ay nakatitig lamang sa kanya.

"Kaya nang makumpirma ko ang lahat, hindi na ako nag aksaya pa ng oras at agad na nagpunta dito. Alam ko hindi ka maniniwala agad sa sasabihin ko, pero handa ko patunayan sayo ang lahat na..... kapatid kita. Na mag Kambal tayo "

" Ano? " hindi makapaniwalang sambit ng babae at sabay pekeng natawa naman ito kay Lira. " Nababaliw ka na ba? Wala akong kapatid at wala akong kambal. Alam mo umalis ka na baka mali ka ng hinahanap " sabay hila nito kay Lira palabas.

" Sandali lang, sumama ka sakin. Ipapaliwanag namin sayo lahat kung bakit ka nawalay samin. Matagal ka naming hinanap, hindi kami tumigil para lang makita ka. Ang mga magulang natin sobrang miss na miss ka na nila. Si Daddy lalo na si Mommy sobrang nangungulila na sila sayo---"

" Pwede ba tumigil ka na!! " halos magitla si Lira nang mapasigaw sa kanya ang kanyang kapatid. Kitang kita nya rin ang galit sa mukha nito at masamang nakatitig sa kanya " Unang-una, hindi kita kilala pangalawa, wala akong kapatid o kahit kambal at higit sa lahat wala akong Magulang!! "

" Mira---"

" Hindi ako si Mira! " bulyaw nito sa kanya, habol hininga ang babae habang si Lira ay nagsisimula na mangilid ang luha sa kanyang mata. Masakit sa kanya na ganito ang kinahitnan ng kanilang unang pagtatagpo. Sandalig dumaan ang katahimikan sa pagitan nila ng makarinig sila nang isang malumanay na boses ng matanda na nagpahinahon kay Beatrice.

" Beatrice, apo "

Napapikit na lang ito at pilit na pinakalma ang sarili saka nagbuga nang malalim na hininga. Muling nag angat ng tingin kay Lira.

" Umalis ka na kung hindi tatawag ako ng barangay at ipapa kulong kita dahil alam kong dayo ka lang dito. " Pinal na saad pa nito. Dahil dito, nakaramdam ng takot si Lira dahil sa banta nito sa kanya at hindi na muli nakipag talo pa. gustuhin man nya na makausap pa ito nang matagal at mayakap nang mahigpit, alam nya na hindi pa ito ang tamang panahon.

Kinuha na lamang nya ang kanyang gamit sa upuan at tumango sa matanda bilang paalam. Muli syang bumaling ng tingin kay Beatrice at pilit na ngumiti. Nagsimula na sya naglakad palabas ng bahay ngunit bago pa tuluyang makalabas ng bakuran ay niligon nyang muli ang kanyang kapatid, nakasilip ito sa bintana at umiwas ng tingin at saka tuluyan na syang umalis sa bahay na iyon.

Sa loob naman ng bahay ay pasalampak na napaupo si Beatrice, maging sya ay nabigla sa kanyang ginawa. Masayahin syang tao at palabati sa iba kaya ganun na lamang ang pagtataka nya kung bakit nya nasigawan ang babaeng hindi nya kilala. Hindi na lamang nya napansin na nakalapit na ang kanyang lola sa kanya, tumabi ito sa kanya at hinaplos ang kanyang buhok.

" Sa tingin nyo po nay totoo kaya ang sinasabi nya? Na sya talaga ang kapatid ko at kambal ko pa? " Basag nito sa katahimikan, napa hinga nang malalim ang kanyang lola at ilang sandali silang natahimik

" Gusto mo na ba silang makilala? " tanong ng matanda, napalingon si Beatrice at umiling

" Hindi ko pa po alam kung kaya ko na silang makaharap " Sagot nya " hindi ko makakalimutan kung anong ginawa nila sa akin. Lalo na po sa inyo ni tatay. Hindi ko sila mapapatawad. " muling umusbong ang galit sa puso nya ng maalala nya ang pinagdaanan ng taong kumupkop sa kanya. Niyakap sya ng kanyang nanay at hinaplos ang kanyang ulo.

" Kung anong plano mo apo susuportahan kita. Alam kong masaya ang lolo mo kung nasaan man sya ngayon dahil isa kang mabuti at matapang na tao. Hindi kami nagsisisi na sa amin ka niya pinagkaloob " ang lahat ng galit ni Beatrice ay napawi dahil sa sinabi ng kanyang lola na tinuturing na nyang isang ina. Masaya sya dahil sa mabubuting tao sya napunta kahit para sa kanya ay pinabayaan sya ng kanyang magulang.

Sa kabila nito, muli nyang naisip ang inakala nya kanina. Buong akala nya na ang babaeng nasa harap nya ay isa nanaman sa inutusan ng taong ayaw na nyang makita upang sya ay makausap. Ang taong gusto nyang makalimutan. Ang lalaking kanyang minahal.

The Black DahliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon