Chapter 14
Hindi na mapakali sa sasakyang itim si Beatrice habang patungo sa Hospital kung nasaan ang kanyang nanay Gloria. Kinakabahan man dahil sa hindi nya lubusang kilala ang mga taong kasama nya ngayon ay pinagwalang bahala na lang niya, makapunta lamang sa kanyang nanay.
Huminto sila sa isang malaking Hospital kung saan mayayaman lang ang nakakapagamot dito. Pagkababa ay agad nya sinundan ang babae, nakaramdam din sya ng ilang dahil sa securitying nakapalibot sa kanila, animoy anak sya ng bilyonaryong kailangang protektahan. Pinagbuksan sya ng pinto at ginayak papasok sa loob, doon ay nakita nya ang kanyang nanay na nakahiga sa kama at may dextrose sa kanang kamay, agad sya lumapit dito na puno ng pag-aalala.
" Ate " napalingon sya sa kanyang kapatid na si totoy na namumugto pa ang mga mata, halatang kakagaling lang sa matagal na pagiyak.
" Anong nangyari? " bungad nyang tanong
" Kanina kasi habang nagwawalis si nanay sa bakuran lumapit si aling Belen, sinabi nya na nagaway nanaman kayo ni ate Tanya " lihim na napasinghap si Beatrice sa kanyang narinig. Nakaramdam din sya ng kunsensya dahil sa nangyari. Mahina na kasi ang puso nito dala nang katandaaan.
" Kasalanan ko to, kung hindi ko pinatulan si Tanya hindi aatakihin ang nanay " aniya habang pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog na kanyang nanay. Sandali sya natigilan nang biglang lumapit at may binulong sa kanya si totoy, tinuro rin ang babaeng kaninay kasama nya. Sinabi nito na nakita nya na naguusap ang kanyang nanay Gloria at ang babaeng ito, dahilan rin para makaramdam nang pananakit sa dibdib ang kanilang nanay, lalong nagtaka si Beatrice kung sino ang mga ito at bakit sya pilit tinutulungan.
" Dito ka muna, bantayan mo si nanay " aniya kay totoy at lumapit sa babae. Tinawag nya ito sa labas at doon nagusap.
" Gusto ko magpasalamat sa pagtulong sa amin, pero wala akong maibibigay na kapalit " seryoso nitong saad " Hindi ko alam kung ano ang intensyon nyo pero wala kayong makukuha sa amin. Mahirap lang kami "
" Sumusunod lang kami sa utos... Mam Mira " agad na napakunot ng noo si Beatrice sa kanyang narinig, pilit nya inaalala ang pangalan na pamilyar sa kanya.
" M-Mira? " aniya sabay pekeng natawa " padala ba kayo ng babaeng mayaman na yon? Pwes pakisabi na wala syang mapapala kahit na anong gawin nya. Umalis na kayo " sabay talikod nya rito, ngunit agad syang napahinto nang magsalita ang babae.
" Pasensya na po Mam Mira pero hindi po kami aalis hangga't hindi pa nagiging maayos ang kalagayan ng nanay nyo. Sumusunod lang po kami sa utos " pinagkatitigan nya ito nang masama at inirapan, hindi na lamang nagsalita si Beatrice at tuluyan nang pumasok sa loob ng kwarto.
Mabilis nyang inayos ang ilang gamit na dinala ni Totoy.
" Kapag nagising si nanay at hinanap ako sabihin mo nagpunta lang ako sa nurse station " tumango lang naman si Totoy at lumabas na si Beatrice. Ipapadischarge na nya ang kanyang nanay dahil sa wala silang pambayad sa bill, kaya naisip nyang ilipat sa mas maliit na Hospital kahit walang kasiguraduhan na gagaling ba doon ang kanyang nanay.
" Wala na kayo dapat pang alalahanin Miss "
" Ano ho? " pagtataka ni Beatrice sa sinabi ng Doktor
" Bayad na ang lahat ng kakailanganin nyo dito, kaya hindi nyo na kailangan pa ilipat ang inyong nanay. Isa pa masama na ang lagay nito, mas mapapabuti kung dito na muna sya dahil kailangan nya ng matindinding obserbasyon "
Napaisip si Beatrice sa sitwasyon, hindi nya alam kung ano ang dapat nyang gawin. Ayaw nya magkaroon ng utang na loob sa babaeng hindi nya kilala, ngunit tama ang doctor, mas mapapabuti dito ang kalagayan ng kanyang nanay.
BINABASA MO ANG
The Black Dahlia
RomanceKailan man ay hindi sumagi sa isip ni Lira ang magkaroon ng sariling pamilya, para sa kanya ay sapat na ang kanyang magulang. Bilang natitirang isang anak obligasyon nyang ibigay ang kaligayahan ng mga ito kaya mas nagsumikap sya sa buhay upang hind...