Chapter 26

25 4 0
                                    


"Hindi ba pwedeng ibahin?" 


"Bakit? Maganda na dun eh! Nag search nga kamo about dun," sabi ni Jen kaya nagkibit balikat lang ako.


"Marami pang mas magaganda dun. Kung gusto niyo Santa Monica beach tayo. Mas madaming nagagandahan dun kaysa sa The Venice beach," sabi ko habang di sila tinitignan sa mata.


"Ayaw mo ba dun?" nakataas kilay na tanong ni Niki.


"Ha? Hindi naman, nag susuggest lang ako ng mas maganda," sagot ko at nasamid pa ako ng kaunti sa sinabi ko.


Binigyan ako ng tubig ni Hugo kaya ngumiti ako sa kanya at kinuha iyon.


"Edi dun na lang tayo kung wala naman palang may ayaw," sabi ni Niki pero hindi pa rin niya tinatanggal ang tingin sa akin. Well, she knows me too well.


Tumango na lang ako at hinayaan na silang mag decide sa pupuntahan. Pinili na talaga nila yung The Venice kaya napabuntong hininga na lang ako. Mukhang wala na akong magagawa and besides, wala namang ibang nakakaalam na nakapunta na kami ni Lance doon so okay lang din.


After we ate ay napagkasunduan naming manood ng movie. Hindi naman umayaw ang mga lalaki kasi horror ang pinili namin, kaya natuwa pa sila akala daw nila ay love story magugustuhan namin.


"May something ba sa The Venice?" bulong na tanong ni Niki sa akin habang nasa kalagitnaan ng movie kaya napalingon ako sa kanya.


"Wala naman, mag susuggest lang sana ako ng ibang pupuntahan," patay malisya kong sagot pero tinaasan lang niya ako ng kilay.


"Kaya pala nagtinginan pa kayo ng ex mo," asar niya kaya kinurot ko siya. Hindi naman siya nag-eskandalo pero sinamaan niya lang ako ng tingin.


"Wag kang maingay, nanonood yung tao eh," sabi ko pa pero inilingan niya lang ako. 


Hindi naman na siya nagsalita pa kaya hinayaan ko na lang siya mag-isip ng kung anu-ano.


"Sure na bang two weeks tayo mag beach? Baka naman magsawa tayo sa mukha ng isa't isa?" natatawang tanong ni Bella.


"Kayo bahala, basta ako sinabi ko na sa inyong pwede ako kung two weeks 'man," I shrugged.


I looked at Hugo na tahimik lang sa tabi ko. Sumandal ako sa balikat niya at inalok ang kamay ko. Naramdaman ko na natawa siya bago kunin ang kamay ko at paglaruan iyon. Nangiti ako dahil sa ginawa niya kaya nakinig na lang ako sa pinag uusapan nila Jen para hindi mahalata.


"How 'bout one week na lang tayo mag beach then yung natitirang one week ay kahit ganito na lang tayo araw-araw?" suggest ni Elijah. "What do you think guys?"


"Yeah pwede yan. Madami naman tayo magagawa dito sa penthouse ni Francine," sabi ni Steven kaya nag react ako agad.

Unheard [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon