Chapter 7

31 5 0
                                    


"Ikaw ba ay hilo?"


"What?" natatawang sagot niya at umiling na lamang.


"Kung anu-ano na namang sinasabi mo," kinakabahang tugon ko.


Gusto kong magwala nang marinig ko yun pero alam ko namang hindi dapat ako umasa sa katagang iyon dahil hindi naman malinaw ang sinabi niya. I just don't want to assume things that will never happen.


Nang makarating kami sa venue ay nagulat ako sa maraming bisita. Well, expected naman nang marami pero hindi yung ganitong kadami! I don't know pero mukhang lahat ng office worker, business partners, friends and family nung nag throw ng party ay nandito ata.


"Whoa," manghang sabi ko nang makita ang kabuuan ng lugar.


Inalalayan akong muli ni Lance para makalabas ng sasakyan. Todo hawak ako sa kanya nang magsimula kaming maglakad. Sina mommy ay hinintay kami sa staircase papunta sa mismong pinto nung venue. At ang sabi naman ni Lance ay sina tita Lannie ay nauna na sa loob.


Nang makapasok kami ay lalong nakamamangha dahil sobrang spacious sa loob. Doon ko napagtanto na bahay pala itong pinuntahan namin, or should I say mansion? Ang theme ng bahay ay white and gold! Napakalakas ng dating na iyon! Lumingon-lingon ako, nagbabakasakaling may kakilalang makikita pero wala. Puro mga dugong bughaw ang mga nandito at for sure wala naman dito sina Blaire at Hugo. Wala naman silang sinabi na may pupuntahan ding party ang parents nila.


"Your table is ready, madam," rinig kong sabi ng kausap ni mommy at sinamahan kami hanggang sa round table.


Nandun na nga sina tita Lannie at tito Balthazar. Magkakasama kami sa table, kung pano nangyari iyon ay hindi ko din talaga alam. I went to them to kiss their cheeks at saka sumunod sakin si Lance para alalayan umupo. At ganoon na rin ginawa nila mommy na naupo sa kanan ko tapos ay katabi niya si dad na katabi si tito Balthazar and tita Lannie tapos si Lance na katabi ko sa kaliwa ko.


Maya-maya rin lang ay nagstart na. Hindi ko gaanong inintindi ang sinasabi, basta sabi ay naging successful daw mga projects nila for the past five months and ngayon sila nag throw ng party para pasalamatan lahat ng nagpatotoo ng dating pangarap lang daw nila. Hayst, ang boring pala dito. Nagdala naman ako ng phone pero dahil katabi ko si mommy ay mukhang imposibleng makagamit ako noon.


Nang matapos si Mr. Smith, yung nagpaparty, sa pagsasalita ay nakahinga ako ng maluwag. Wala naman kasi talaga akong alam sa sinasabi niya. Ang haba haba ng speech jusko! Pero buti na lang nagsabi na siya na iseserve na daw ang mga pagkain. Kaya ang kaninang tahimik na paligid ay nagsimula nang mag ingay dahil sa huntahan ng mga mag a-amiga dito. Mayroon namang tumugtog ng classical music sa gilid kaya kahit papano ay naging kaaliw-aliw pa rin ang paghihintay sa pagkain.


"Shrimp cocktail for appetizer madam and sir," ani ng waiter at isa-isa nila kaming binigyan.


Ang gara nung pagkakaplate nung pagkain! So nasa cocktail glass iyon then sa mismong glass ay yung dipping sauce niya and the shrimps naman ay naka-hang sa gilid ng baso. Yung sauce ay meron ding gulay na nakalagay but I'm not sure kung ano iyon then meron ding lemon na nakalagay katabi ng shrimps.

Unheard [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon