Chapter 8

33 5 0
                                    


"Francine, can I court you?"


"W-what?"


Gulat na gulat ako sa tanong niya. Is this even real? Am I dreaming? Omg!


"Well.." nahihiya siya nag angat ng tingin at binitawan ang kamay ko. "I liked you after, I don't know, a month or two na nag uusap tayo tungkol sa pagkakamiss natin sa Pilipinas."


Hindi ako nagsalita at nakatingin lang ako sa kanya.


"Alam kong naguguluhan ka, ako din naman eh. Nang pumunta kase ako dito ay si Jen talaga ang nasa isip ko. Kung paano ko siya sinaktan at pinagpalit kay Dianne, tapos ay kung ano-ano lang pala kalokohan ang gagawin niya. Pero nang makilala kase kita, parang nakilala ko din ang sarili ko?" tinignan niya ako ng seryoso saka siya ngumiti sa akin. "Madami pa pala akong kayang gawin, at marami pa kong hindi alam tungkol sa sarili ko noon pero dahil sayo ay lumabas iyon ng kusa. Ang mga bagay na akala ko ay hindi ko kayang gawin, nagawa ko dahil sayo. Dahil sa paniniwala mo sa akin. At isa pa, you remind me of someone I knew before."


Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Akala ko ay nalulungkot lang ako kaya nararamdaman ko iyon, pero mali pala ako. Gusto na pala kita at ngayon ay mas nagugustuhan pa kita."


Hindi ko alam pero nang marinig ko iyon ay kusang tumulo ang luha. Inalis ko ang pagkakahawak niya at yumuko para punasan ang luha ko pero hinawakan niya itong muli para siya mismo ang magpunas.


"Oh bakit ka umiiyak? Umaamin yung tao tas iniyakan mo ko," natatawang bulong niya sa akin kaya pinalo ko ang balikat niya.


"Kung ano-ano kasi sinasabi mo! Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o ano," umiiyak na sabi ko sa kanya kaya natawa siya ng mahina.


"Sorry to say but this is not a dream," nakangiting aniya.


Hindi na ako nagsalita pa at niyakap na lang siya. Halatang nagulat siya at natawa pa ng kaunti bago tugunan ang yakap ko. I am so happy that I can't express it through words. Nagtataka man sa sinabi niya about sa naaalala niya sa akin pero hindi ko na lang pinansin dahil mas importante ngayon ang nararamdaman namin sa isa't isa.


"So I guess this is a yes right?" alanganing tanong niya nang kumalas ako sa yakap.


Natatawa akong umiling. "Nope, not until humarap ka sa parents ko," sabi ko pa. Nakita ko ang gulat sa kanya pero agad niya iyong binawi at ngumiti sa akin.


"Nakakaharap ko naman sila noon, pero sa sinabi mo ay parang kinakabahan ako," I bursted into laughter when he said that.


Well, hindi siguro halata sa akin pero may pagka-manang ako. Kahit panliligaw lang iyan ay mahalaga sa akin na alam ng parents ko yun. Syempre mas maganda kung siya mismo ang kakausap sa parents ko at hindi ako iyong magsasabi sa kanila.


"Lagot ka, 'yan pa man din pinag uusapan niyo ni daddy kanina," pananakot ko sa kanya at nanlaki ang mga mata niya.

Unheard [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon