Chapter 6

40 6 0
                                    


Hindi ko na kailangang kuwestiyonin ang sarili ko sa nararamdaman. Masyadong mabigat sa pakiramdam ang nangyari dahil sila halos ni Jen ang nag usap. Walang kaso sa akin iyon pero 'di ko maiwasan magselos kahit pa na wala akong karapatan.


"Gutom ka na ba?" tanong ko nang matapos ang call. Sabado naman na bukas kung kaya't pwede siyang dito matulog kung gugustuhin niya, besides it's already 10 o'clock.


"Oo eh, nakalimutan ko na hindi pa pala tayo kumakain," natatawang sagot niya. Psh, busy ka kase makipag ngitian at makipagkumustahan kay Jen.


"Oh sige papahanda ako ng pagkain, pagkatapos natin kumain saka mo kausapin si mommy," matamlay kong sagot at nagpamauna na sa dining.


Habang kumakain ay hindi ako nagsalita, hindi ko alam pero nakakawalang gana yung nangyari kanina. All this time, si Jen yung sinasabi niyang mahal niya na naiwan sa Pilipinas. Napakaganda nga naman ng timing ano? Hindi naman ako galit kay Jen dahil may jowa naman na siya which means wala nang pag asa si Lance. Pero hindi ko pa din maiwasang hindi mangamba, lalo na't hindi niya alam ang nararamdaman ko at kung umamin man ako ay baka ikasira pa iyon ng friendship namin.


Nang matapos ay pinuntahan na namin si mommy sa office niya. Gustuhin ko mang mahiga na lang sa kama at mag overthink mag damag ay hindi ko pwedeng hayaan si Lance, at baka kung ano pang sabihin ni mommy though kampante ako na bet niya si Lance. Gusto ko ding makapunta bukas sa party ni Hugo kaya kailangan ko magpaawa kay mommy.


"Oh, gising na pala kayong dalawa," sambit ni mommy nang makita niya kami. "Kumain na ba kayo?" nakangiting tanong niya at iginilid ang mga papel sa harap. Aba mukhang good mood!


"Yes tita, ang sarap pa rin talaga ng luto dito," sagot ni Lance.


Tumayo si mommy at pumunta sa single couch niya. Nang makaupo ay iminuwestra niya ang upuan sa harap kaya naupo din kami. Nakakapanibago talaga pag si Lance kaharap niya pero mas okay ganito, para payagan ako bukas hihi.


"So bakit kayo naparito? Did Raelene do something, Lance?" napailing agad ako sa tanong ni mommy.


"Of course not, mom! We're just..uhm," hindi ko maituloy ang sasabihin dahil sa kaba. Napatingin sa akin si Lance at tumikhim.


"Ahh tita, ipagpapaalam ko sana si Francine," pagpapatuloy niya sa sinasabi ko. "Birthday po ng kaibigan.." napatingin siya sa akin bago tumingin kay mommy na nakataas na ang kilay sa amin. "Kaibigan namin at gusto po sana naming pumunta." 


"But, there's party tomorrow and I want the both of you to come," sagot sa kanya ni mommy.


"Saglit lang po kami doon tita tapos ay susunod na kami sa party, promise po iyan tita," sabi niya pa at nabigla ako nang tumango si mommy.


"Sige pumapayag ako dahil kasama ka naman ni Raelene pero sumunod kayo ha? Magtatampo ako kung hindi," pagbabanta niya at natawa sa sinabi. 


"Thank you mommy," tanging sambit ko at binigyan niya ako ng maliit na ngiti. 


"Raelene, dito mo na patulugin si Lance. I already called his mother naman na at nagpadala na sila ng damit kanina," sambit niya kaya tumango ako. "Akala ko nga'y kinabukasan na kayo magigising at mukhang pagod kayo pareho kaya 'di ko kayo pinagising kanina," dagdag niya pa.

Unheard [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon