Chapter 14

25 5 0
                                    


After a month of preparation, I mean not only a month kasi nasimulan na ni mommy ito nung malaman ko pero basta! Kinakabahan ako. This is the day! This is my day! Saktong sunday ang birthday ko kaya pinush na namin na mismong araw gaganapin ang debut ko. Today is 27th of September, kahit na malamig ay pinagpapawisan ako sa kaba. I've never done this before, syempre isang beses lang naman ako magiging eighteen!


Francine, get a grip! Para kang tanga eh mamaya pa namang 9 ng gabi ang start! Aish! Pati sarili ko kinakausap ko na. What to do? Huhu.


"Oh? Gising ka na pala. Aga nagising ah?" napaupo agad ako nang pumasok si Trina sa kwarto ko.


"You startled me! Sana man lang kumatok ka hays," napabuntong hininga ako at nahiga muli.


"Kumatok ho ako, kaya nga nagulat pa ako nang makitang gising ka na. Hindi ka kasi sumasagot," sabi niya pa at dumiretso sa walk-in-closet ko.


"What are you doing?" sigaw ko dahil baka hindi niya marinig. "May iuutos na naman ba si mommy sa akin? Ngayong birthday ko?"


"Wala no," sagot niya at lumabas mula doon. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa inilapag niya sa kama malapit sa paanan ko ang mga damit ko. "Naisip ko lang na eighteen ka na ngayon, dati-rati ay nagpapahanda ka pa ng damit sa akin. Pinagagalitan ka ng mommy mo dahil mas gusto mong ako ang tumulong sayo noon kaysa ang mga kasambahay ninyo," natatawang kwento niya.


"Makapagsalita ka naman ay parang ang tanda mo sa akin! Pitong taon lang naman ang tanda mo sa akin," sabi ko kaya napailing siya.


"Anim lang! Daragdagan mo pa edad ko," sita niya.


"Hindi ko rin alam kung bakit ganoon ako noon. Siguro ay nakita ko kasing close kayo ni mommy, I mean hindi naman gaano pero lagi kayong magkasama. I somewhat feel that I should be like you para mapalapit din ako kay mommy or at least copy your taste in fashion," natatawang sambit ko pero malungkot niya akong tinignan.


"Alam kong mayroong problema ang pamilya niyo, kung ano man iyon ay hindi ko na gustong malaman pa. But don't you ever think about it again, okay? You are Francine, you will never be someone other than yourself. Changing yourself to be other is something you wouldn't want, because being someone will kill the real you and I don't want you to suffer on its consequences."


Napangiti ako ng mapait at wala sa loob ay tumayo ako para yakapin siya. 


"Thank you for being my third mom," halatang nagulat siya sa sinabi at nahaluan iyon ng pagtataka pero hindi siya nagsalita patungkol dito.


"Oh siya, maligo at magbihis ka na. Inaantay ka na ng daddy mo sa baba," tumango ako at sinunod na siya.


Habang naliligo ay hindi ko maiwasan isipin ang sinabi niya kanina. Mali nga talaga ako pero hindi ko naman masisi sarili ko dahil yun lang nakita kong dahilan para magustuhan niya ako. Nang pumasok si Trina dito ay bente anyos pa lang siya at napilitan magtrabaho para sa pamilya. Akala ko ay hindi siya matatanggap dahil hindi siya nakapagtapos pero kinuha siya ni daddy at pinag-aral kahit kasabay ang trabaho. Ako naman ay 14 lang noon at siya ang kasama ko sa pagpasok dahil utos na rin ni mommy ang bantayan ako. Nagkasundo kami at naisip ko na gayahin siya dahil alam kong matutuwa si mommy kapag nakitang nag i-improve ako pero lagi ay nagagalit lang siya sa akin at pilit pinaaalala na ako ang dahilan ng pagkawala ni ate.

Unheard [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon