Chapter 12

29 5 0
                                    


"No, don't answer that yet," bawi niya.


Ako naman ay nanatiling nakatingin lang sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko kasi nakakagulat naman talaga ano!


Niyakap niya akong muli, "I'm sorry. I shouldn't asked you that."


"Baliw, okay lang. Tumahan ka na at baka akalain pa nila sinaktan kita," sabi ko at natawa naman siya.


"Mukha tuloy akong nabasted no?" natatawang sabi niya.


"Hoy grabe hindi naman," lumingon ako sa paligid at nakahinga nang maluwag dahil hindi naman sila nakatingin sa amin. Or should I say, iniiwasan nilang makita ko na nakatingin sila hayst.


"Tara na nga, okay na ko dito sa gowns ko. Masyado nang nakakahiya nagawa natin dito," natatawang sabi ko.


"Alright, magpalit na tayo. Do you have plans after this?" tanong naman niya habang inaalalayan niya akong muli papuntang fitting room.


"Hmm, how 'bout we grab some lunch then shopping!" masayang sabi ko na kinatawa niya.


"Okay sige. Lunch and shopping. Mukhang mapapalaban ako sa paglalakad," biro niya kaya pinalo ko siya.


"Hey! Di naman ako ganon mamili ah? Konti lang naman iniikutan ko ah?" nakangusong sabi ko at ginulo lang niya buhok ko.


"Sige na, magbihis ka na. Para maaga tayong makauwi," sagot niya at iniwan na ko sa may fitting room.


Hindi naman talaga ko pala shopping. Dun nga nagagalit si mommy minsan kase siya pa namimili para sa akin. Wala akong sense of fashion okay? Kung mamimili man ako ay lagi niyang napupuna na baduy kaya mula noon ay siya na pinabibili ko, hayst. Pati sa mga beauty products ay wala akong kaalam alam kaya si mommy din namimili nung mga pang skin care na ginagamit ko pag hindi ako tinatamad. And of course, mga make-up hayst.


Ngayon ay naisipan kong hanapin yung matagal ko nang hinahanap na libro sa Pilipinas. Wala na kase akong makita and ngayon ko lang naalala na bibili nga pala ko nun. Gusto ko kasi yung set eh kaso wala talaga sa Pinas.


Gaya nang napag usapan ay kumain muna kami. Ako nasunod kaya restaurant kami. Balak na naman niyang suwayin si mommy pero di na ko pumayag! Lagot na ko dun lalo jusko!


"What do you want?" tanong niya nang makaupo kami.


I like the ambiance of this place. Ang sosyal tignan. Siguro kung aayain ko sila mommy dito next time ay matutuwa siya!


"Wait, tignan ko muna menu," ngiting sabi ko kaya tumango naman siya.


Nagugutom ako. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagsusukat at kung ano ano'ng ginawa namin ni Lance pero parang gusto kong maraming kainin.


"I want bruschetta, pasta con pomodoro e basilico, margherita pasta and pistachio panna cotta," sabi ko at napanganga naman si Lance.

Unheard [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon