Chapter 33

26 4 0
                                    


"Mabuhay! Philippine Airlines welcomes you to Manila. The time now is 5 in the morning and the date today is December 12. The ground temperature is 28℃. Please remain seated with your seatbelts fastened until the aircraft has landed safely."


Nagising ako sa narinig ko at agad na tumingin sa labas. Omg, I'm finally here after 15 hours. Naeexcite tuloy ako pero mas bet kong makapunta na agad sa condo unit na binili ni daddy dahil feeling ko ay di ko na maigalaw ng maayos yung likod ko and I'm tired as hell.


Pagkababa ay nilanghap ko agad ang malamig na simoy ng hangin. Grabe hindi ako makapaniwala na nakauwi ako ng Pinas after how many years! Walang nakakaalam na umuwi ako except sa driver na kinuha ni mommy. Alam niyo na, gusto niya ay safe ako kapag nakarating ako dito kaya kung sino sino na naman ang nagkaroon ng trabaho dahil sa kanya. Dahil bumili nga si daddy ng unit, naghire si mommy ng taga linis every week pero iisa lang naman dahil hindi naman ito katulad ng penthouse ko sa LA. Tapos nag hire siya ng secretary ko, hindi ko naman kasi maisasama si Jaira dito dahil kailangan siya ng pamilya niya don. 


"Good morning, ma'am," bati sa akin kaya nilingon ko agad ito, he's in early 40's I think? "Ako po yung driver na hinire ni Mrs. Menezco, Berting po."


"Oh, hi! Sorry nagulat ako sa'yo," natatawang sagot ko na ikinangiti niya.


"Akin na po yung maleta niyo ma'am."


Iniabot ko iyon sa kanya at siya na ang nagbitbit hanggang makarating kami sa sasakyan. Okay, buti at hindi naman naging OA si mommy sa pagbili ng sasakyan but this one is good huh? I think this is the latest Toyota Altis. Habang nilalagay niya mga gamit ko sa compartment ay hindi ko na siya inabala pang pagbuksan ako. Sus, I can do that on my own. Pumasok na ako at pumikit.


Maya-maya pa ay naramdaman kong umandar ang sasakyan kaya tinignan ko ang labas. Nakaka-miss talaga dito, but sad to say pinayagan lang ako to stay for a month. At hindi ito vacation ah? May trabaho din na magaganap at ako ang magrereport kina daddy on how Lance handle our company here. Bali boss ako ni Lance dito kasi sa LA, pantay lang ang position namin. And you don't to know how evil my smile was after hearing that. If I need to use my power to bring him back, I will not hesitate using it.


"Nandito na po tayo."


"Salamat po kuya Berting! Bukas po papasok na po ako kaya mga 6 po sana nandito na kayo ah?" sabi ko at tumango naman siya.


"Opo ma'am. Nasabihan na rin naman po ako ng mommy niyo tungkol diyan." 


"Sige po, eto po pang taxi niyo," abot ko dahil ang pagkakaalam ko ay iiwan niya ang sasakyan dito tapos mag commute siya pauwi sa kanila at pabalik bukas ng umaga.


"Ay hindi na po ma'am. Malapit lapit lang po ang bahay namin dito, kayang-kaya po maglakad."


"I insist kuya, kahit pang bili mo na lang ng pagkain para sa pamilya mo yan," iniabot ko yung pera sa kanya at nag aalinlangan man ay nangingiting kinuha niya iyon.


"Maraming salamat ma'am! Pagbubutihan ko po trabaho ko," sabi niya at nginitian ko na lang siya.

Unheard [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon