Chapter 4

37 6 0
                                    


"I think I am jealous, dahil siya pinagsisilbihan mo pa kanina," inis na sabi niya.


Pucha, akala ko kung ano na. Okay na eh, kumalabog na puso ko kaso tangina panira yung kasunod na sinabi.


"Hindi ka naman mahilig sa kape ano? Ni hindi ka nga umiinom non tapos yun irerequest mo?" nakapamewang na sabi ko sa kanya.


Umiwas siya ng tingin, "Ano kase, trip ko tikman yung kape! Ikaw nga may pabulong bulong pa kayo kanina!" binalik niya muli sakin kaya inirapan ko lang siya at tinalikuran na.


"Ewan ko sayo. Ang dami mong alam," sabi ko na lang sa kanya na tinawanan niya.


Later that day, umakto lang si mommy na parang walang ginawang mali. Ano pa nga bang bago dun? Di na dapat akong umasa na magsosorry siya kay Hugo or kahit man lang sakin. Lagi naman ganito kaming dalawa ni mommy eh, ang ending ay ako nagpapakumbaba. Kumbaga may gagawin siyang kasalanan tapos ay ako pa ang hihingi ng tawad. Napangiti ako ng mapait sa naisip ko.


"So wala pa din? I mean he's so paasa ah!" sigaw ni Niki sa kabilang linya.


Nakahiga ako ngayon dahil matutulog na sana ako nang maisipan kong tawagan si Niki at sakto naman na break daw niya. Base sa kuwento niya noon ay magkakasama sila sa iisang university pero magkakaiba course nila kaya minsan lang magkasabay-sabay ang schedule nila. Si Niki ay Business Management kasama yung mga boys which is Steven, Ezekiel and Elijah while Jen and Bella ay parehong Civil Engineering. Well, Dianne is their friend na ulit so ayun kasama din nila siya sa university and she's in Architecture naman.


Me? Business Management, not my choice ha? Syempre sino pa ba? Nanay ko ulit pumili niyan but I think she's right naman sa reason niyang, ako magmamana ng negosyo namin. Kaya ganoon na lang kastrict si mommy sa akin in terms of my grades dahil gusto niya ay mahihigitan ko ang nagawa nila noon at mapalago ang negosyo. Business my ass, psh.


"Eh ganoon talaga, binawi niya kase nakakainis!" sabi ko na kinatawa naman niya.


"Nako friend, 'wag masyadong umasa ah? It's mahirap to fall when no one's there to catch you," nagbabantang sabi niya.


"Hoy 'di naman ako umaasa no!" iwas tinging sabi ko. "Alam ko namang kaibigan lang tingin sakin nun and sabi ko sayo, huling pag uusap namin tungkol sa lovelife niya eh mukhang di pa siya nakakamove on," malungkot na sabi ko pero pilit kong hindi pinakita kay Niki.


"Well, ang pagkakatanda ko ay hindi ka kamo sure doon.." huminto siya sa pagkain at tinignan ako. "Pero hindi din tayo sure kung nakamove on na nga siya kaya as much as possible, huwag ka umasa sa kung ano mang sabihin niya, okay?"


Nginitian ko lang siya dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Oo ayoko umasa kase ako rin naman masasaktan tapos maaari pang masira ang pagiging magkaibigan namin. This is not just about being in love, it is also about our friendship.


Napakasakit isipin kung nireject na nga niya ako tapos nawalan pa ko ng nag iisang kaibigan dito kung saan wala akong kakampi. Tanging siya lang nakasama ko dito, nakausap, nakapalagayan ng loob at ang tumutulong sa akin sa mga oras na feeling ko ay wala akong kakampi sa bahay. Yes I prefer dad than mom pero in terms of making decisions kasi, pag si mom na nagsalita, hindi na aawat pa si daddy. Yun talaga ang pinakaayaw ko, ang pagdedesisyon ni mommy nang hindi man lang pinariringgan ang opinyon ko.

Unheard [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon