Chapter 19

26 5 0
                                    


"Yes! Ang galing mo na talaga makipag-away! Sayang hindi ko napanood."


Itinuloy pa rin namin yung dinner na napag usapan dahil miss ko na talaga si Blaire! Puro trabaho na lang itong loka loka na ito eh. Ayaw paawat palibhasa ay siya inaasahan ng pamilya.


"Aba syempre. I learned a lot from you," kinindatan ko siya kaya natawa siya.


"Oo huwag ka dapat paaapi sa Amelia'ng iyon!"


"Grabe ka kay mommy," natatawang sabi ko at tumingin kay Hugo. Kanina pa kasi siya tahimik.


"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya.


"Bakit ano nangyari?" singit ni Blaire kay napalingon ako sa kanya at ngumiti.


"Nililigawan na niya ako," bulong ko sa kanya at nanlaki naman mga mata niya. "Kanina lang bago kami pumunta dito."


"For real? Umamin ka na?" gulat na gulat na tanong niya kay Hugo. "Bakit hindi mo sinabi agad sa akin?"


"Wait. You knew?" kunot noo kong tanong. "Alam mong may gusto siya sa akin noon pa?" pag uulit ko at tumango naman siya.


"Yes why? Ako pa ba? Halata naman iyang si Hugo eh sadyang manhid ka lang," hindi ako makapaniwalang lumingon kay Hugo and he nodded! What? I actually feel dumb right now. Hindi ko talaga nahalata!


"Paano ay yung ex mo lagi nakikita mo," sabi ni Hugo kaya natawa si Blaire at tumango. Ngumuso naman ako at nakonsensya, "Don't worry, hindi ko rin naman intensyon na guluhin kayo noon kaya siguro hindi mo na halata."


"Yuck! Lumayas nga kayo sa harap ko naiirita ko sa inyo," inirapan kami ni Blaire.


Natawa ako at sumandal sa balikat ni Hugo.


"Mag jowa ka na kasi. Mamili ka dun sa mga nagtetext sayo," sabi ko pero inismiran lang niya ako.


"Ayoko sa mga trip mo no! Mga fuck boy yun," sabi niya. "Tara inom! Libre niyo ko ulit ah!"


"Ikaw nagsabi na 'di tayo iinom ah?" takang sabi ni Hugo kaya napatingin si Blaire sa kanya.


"Kanina yun! Tutal naka amin ka naman na and pinayagan ka na manligaw, we need to celebrate it ano! Tagal mong inasam 'yan!" natatawang sabi ni Blaire kaya nahawa na rin ako.


Kumain lang kami ng dinner then diretso na kami sa bar. I suggest that we'll take a room again, mahirap na kapag nalasing! Baka kung ano-ano pa gawin ko, nakakahiya kay Hugo!


1 message received

From: Lance
            Where are you?


Napairap na lang ako sa hangin sa nabasa ko. I don't know if he's just playing dumb or he's really dumb. Why the hell he is still pursuing this stunt? Kala mo jowa kung maka-text eh! Ugh.

Unheard [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon