Chapter 32

22 4 0
                                    


Pagka-park ay agad akong dumiretso sa loob. Wala ng lingon lingon dahil kilala na naman nila ako at isa pa, nakapagpa-reserve na ako kaninang tanghali matapos ko malaman yung binalita ni Niki.


"Oh? Matapos mag aya ni Hugo kahapon, ikaw naman ngayon?" nakataas kilay na tanong ni Blaire nang makapasok ako sa VIP room.


"Parehas mo naman kaming kaibigan," nakangiti kong aniya at tumabi sa kanya.


May nakalagay na agad na hard don kaya kinuha ko iyon at binuksan. Naglagay ako ng yelo sa baso bago ko nagsalin. Lalagyan ko na rin sana si Blaire nang umangal siya.


"Teka! Ayoko ng hard, hindi pa nga nawawala hangover ko kagabi tas hard ulit ngayon."


"Okay, order na lang ako ladies drink for you," sagot ko at tinungga na yung nasa baso ko.


Umorder ako at tahimik kaming uminom. Hindi ko alam kung bakit ako nag-ayang mag bar ngayon. Siguro ay may nabubuo na akong desisyon pero natatakot talaga ako sa kalalabasan. Gusto ko man magtanong pa ay parang kinakahiya ko naman iyon. Ewan ko ba!


"Alam mo ba, mukhang tanga si Hugo kagabi..." napalingon ako sa kanya at nginitian naman niya ako ng maliit. "Hindi ko ito sinasabi para kaawaan mo siya at piliin ah? Pero ang gusto ko lang sabihin, pumili ka na agad. Dahil mas lalo lang kayo magkakasakitan."


"Yun nga dahilan ko kaya hindi ako makapag decide agad," sabi ko at inilingan niya ako.


"Sis, alam ko naman na mayroon na. Alam namin lahat actually, kaya siguro ganyan na lang ang reaction ni Hugo."


Mas lalo akong naguilt sa sinabi ni Blaire. Feeling ko ang sama-sama ko dahil sinasaktan ko si Hugo. 


"Naguguluhan kasi ako eh. Alam ko kasi at naramdaman kong minahal ko siya," I groaned. 


"Alam din namin yun sis, yun nga sabi ni Hugo sa akin eh. Ang tangi nga lang daw niyang pagkakamali ay naging kampante siya sa nararamdaman mo. Nakalimutan niyang, mag nagmamay-ari nga pala sa'yo at sumubok lang siya sa chance na nakita niya nung nag break kayo."


Nanahimik ako at prinoseso ang sinabi ni Blaire. Wala namang mali kay Hugo o sa naging desisyon niya na umamin sa akin. Ako talaga ang may pagkakamali dito, dahil sumubok ako ulit kahit na hindi pa namin naayos ni Lance yung sa amin. Ngayon tuloy na nalaman ko ang dahilan niya ay nagkanda-leche leche na ang lahat.


"Nahihirapan ka pa din ba?" tanong niya at lumapit sa akin para yakapin ako. "Okay lang 'yan. Tandaan mo na lang ito..." kumalas siya at hinawakan ang kamay ko.


"Kaya pinili ni Hugo na mag isip ka dahil alam na niya. Simula pa lang, alam na niya kung sino pipiliin mo dahil kung hindi naman niya alam yan, bakit kailangan humantong sa pipilitin ka niyang mag isip diba?" napatango naman ako sa sinabi niya at hindi ko na maiwasang maluha dahil sobra ko na palang nasaktan si Hugo. "Alam na niyang talo siya pero gusto niya na maisip mo ngayon ay tama na yung pipiliin mong desisyon dahil ayaw niyang magdalawang isip ka din kapag pinili mo na si Lance."

Unheard [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon