Chapter 5

40 6 0
                                    


Nanatili akong nakapikit, hinihintay na maglapat ang aming mga labi pero imbis na iyon ay buga ng hangin ang natanggap ko.


"Wait wait! Wag kang didilat, Pranseng! May natanggal na pilikmata, baka pumasok sa mata mo!" natatarantang sabi niya pero di ko siya sinunod.


Sinamaan ko siya ng tingin saka kinamot ang sariling mata. Leche talaga! Ano ba mga pinag iisip ko kanina? Totoo kaya yung narealize ko? O sadyang nadala lang ako sa pangyayari? Bwisit ka Lance!


"Teka ako na magtatanggal," sabi niya pero di ko siya hinayaan.


"Ako na! Kaya ko," sabi ko pero hinawakan niya ako sa wrist.


"Ay ang kulit naman ni Pranseng. Ni hindi mo nga alam kung nasaan yung pilikmata eh," sabi niya na parang bata.


"Oo na sige, tanggalin mo na!" napipilitang sabi ko at humarap muli sa kanya.


"Pumikit ka tanga, baka masundot ko mata mo," utos niya na agad kong sinamaan ng tingin. "What? Dali na, pikit ka na."


Pumikit na nga ako at hinintay na tanggalin niya iyon pero mukhang pinagtitripan ako dahil wala naman aking naramdaman na dumapong daliri sa mata ko.


Nang dumilat ako ay nakita kong wala na si Lance. Luminga-linga ako at narinig ko ang tawa niya sa likuran ko. Lilingunin ko na sana siya pero hinawakan niya magkabilang balikat ko para hindi ako maalis sa puwesto ko.


"Wait, stay still," sabi niya.


Nagulat ako nang may ilagay siya sa leeg ko. Nang maikabit niya yun ay agad ko tinignan. Lumipat siyang muli sa harap ko ng nakangiti.


"Ganda ba? Pinag ipunan ko talaga yan," kamot ulong sabi niya. "Medyo late as Christmas gift pero di kase abot pera ko noon."


"Ano ka ba! Okay lang naman sakin kung wala no!" suway ko sa kanya pero di ko maitago ang tuwa na naramdaman nang makita ko kung anong ibinigay niya.


A gold minimalist necklace which have five round cut diamond row pendant. Napakaganda niya kahit ang simple niyang tignan.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Okay lang na walang natanggap pero kita kong nalungkot ka non," tatawa tawa niyang sabi.


Unheard [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon