Chapter 16

28 5 0
                                    


Kinabukasan, like the usual ay nasa office na naman ako. Di pa naman nag reretire sina daddy pero ang sabi nila ay maaga nilang ipapasa sa akin ito dahil gusto nila ma-enjoy kahit papano ang buhay na pinag hirapan nila. Masaklap para sa akin pero okay na rin dahil tama naman sila. Simula nung lumago ang business nila ay nawalan na sila ng time sa sarili nila kaya ito na ang pambawi ko sa kanila.


Busy ako sa pagbabasa ng reports nila nang tumunog ang phone ko.


1 message received

From: Blaire

Hayup ka! Kung kani-kanino mo na naman binigay number ko! May tumawag sakin!


Napahagikhik ako ng tawa. Napalingon pa ako sa paligid at baka mamaya eh magmukha akong tanga pero ako nga lang pala mag isa sa office. Dahil doon ay tinawagan ko na lang siya imbis na mag reply sa text niya. 


"Hello?! Aba talaga nga naman ganito na lang ba gagawin mo lagi sa number ko?"


"Teka chill," natatawang sagot ko. "Sorry na po, may nanghingi kasi sa number ko nung nag bar tayo nung nakaraan."


"Kaya yung sakin binigay mo? Ang galing mo talaga, sarap mo kutusan!"


"Eh alam mo namang hindi ako nagbibigay ng number sa mga nakakasalamuha natin sa bar. And besides, wala kang boyfriend kaya chance mo na yan," asar ko kaya lalo siyang nainis.


"Anong nakakasalamuha? Nakakahalikan mo pa nga yung iba! Eh kung sabihin ko kaya sa tumatawag yung address mo?" hamon niya kaya mabilis akong tumanggi.


"Hoy! Subukan mo at ikakalat ko baho mo," natawa siya sa sinabi ko pero ako ay natigilan. May naalala ako sa sinabi ko pero pinilig ko agad ang ulo ko at inalis iyon sa isip ko.


"Oo na! Pasalamat ka at kaibigan kita! Bye na, I have work pa!"


Napailing na lang ako sa pag-uusap namin. Normal lang iyon dahil di naman siya magagalit sa akin. Sanay na yun na yung number niya ibinibigay ko. Tapos siya namomroblema kung pano papatunayan na hindi siya ako. 


Back to work ang drama ko pero okay lang. Ayoko din kasing lumabas-labas at baka may makita pa akong di kanais-nais. Wala akong meeting ngayon kaya naisipan ko mag lunch na rin dito sa loob ng office ko. I ordered vegetable fried rice, cantonese chicken soup, sweet and sour pork and dim sum tapos ay pinadeliver ko na lang dito. Hindi lang sakin yan ah! Nag babawas na ako ng kinakain kaya kasalo ko si Jaira diyan. 


Nang dumating ay pinapunta ko si Jaira sa office ko and binigay ko sa kanya yung pagkain. Natuwa naman siya at nagpasalamat pa ng marami bago lumabas ng office. Napailing na lang ako sa kakulitan niya. Mas bata siya ng isang taon sa akin, and medyo close na rin kami dahil nga six months na kaming magkasama dito. Buti nga ay pinayagan ako ni daddy na mamili ng secretary dahil kung si mommy iyon ay baka kung sino-sino piliin niya.


"Woah! Ang sarap naman niyan!" nabilaukan ako sa biglang nagsalita. "Oh! Sorry!"


Unheard [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon