Chapter 28

21 4 0
                                    


Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Ang totoo niyan ang narinig ko lang nung nag uusap si mommy at Lance ay yung gusto na niyang itigil yun at saka yung sasabihin ni mommy na plano lang ang lahat.


Why the hell I didn't figure that out?  



"Ate! Thank you ha? Kung hindi dahil sa'yo, habang buhay ata akong ihohomeschool ni mommy," niyakap ko siya at naramdaman kong gumanti siya.


"Basta para sa'yo Francine," sagot niya pero nahalata kong malungkot siya kaya bumitaw ako sa pagkakayakap para tignan siya.


"Okay ka lang, ate? Ayaw mo ba dito sa Pilipinas?" tanong ko at marahan siyang umiling.


"Hindi, ano ka ba. May iniisip lang ako."


"Sino? Yun lagi mong kasama sa playground?" tumango siya. "Ano nga ulit pangalan nun? Nakalimutan ko eh."


Natawa siya at ginulo ang buhok ko, "Lance. Lance ang pangalan niya."



I chuckle without humor, as memories were starting to fill my ignorant mind. Bakit ngayon ko lang naaalala lahat nang kinuwento ni ate sa akin? It is like all my memories with ate Raelene is nowhere to be found in the last 12 years since she died pero ngayon, lahat ay bumabalik dahil sa mga sinabi ni Lance.


Pinikit ko ang mga mata ko dahil sa sunod-sunod na flashbacks ng mga alaala ko. Narinig kong may tumawag sa pangalan ko kaya iminulat ko ang mata ko pero hindi ko gaanong maaninag dahil nanlalabo na paningin ko. Ikaw ba 'yan, Lance?



"Bakit ba parang ikinakahiya niyo ako? Ano ba meron sa akin at pilit niyo akong tinatago?" umiiyak na sigaw ko sa harapan nina mommy.


"How dare you to shout at me like that! Tignan mo nga 'yang ugali mo, sino hindi mahihiya diyan?" sagot na sigaw sa akin ni mommy kaya mas lalo akong nasaktan. Alam naman nilang hindi ako magiging ganito kung hindi ako napuno.


"Mom! Stop it na, please," sabat ni ate bago lumingon sa akin. "Francine, umakyat ka muna sa kwarto mo mamaya natin 'to pag-usapan."


Hindi pa niya natatapos ang sasabihin ay umakyat na ako. Ayoko na sa pamamahay na ito. Kailangan kong makaalis dito dahil hindi magiging normal ang buhay ko habang kasama ko sila.


Pagkarating ko ng kwarto ay kinuha ko ang backpack ko pang school. Doon ko nilagay ang mga damit ko, kahit hindi na magkapares ay basta isinuksok ko sa loob. Nang matapos ay dumiretso ako sa kwarto nila daddy para kunin ang card niya at pera na rin. 


"Amelia! Bakit ka ba ganyan sa anak natin? Lalong magrerebelde yan sa ginagawa mo!" rinig kong sigaw ni daddy sa baba pero hindi ko na sila pinansin pa at bumalik sa kwarto ko.


Kumuha ako ng papel at ballpen para magpaalam kay ate. Alam kong siya ang unang makakabasa nito dahil siya lang naman ang totoong nagmamahal sa akin sa pamilyang ito. Siya lang ang nag-aalala at nagtatanong kung ayos lang ba ako. Siya lang ang pamilya ko.

Unheard [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon