Chapter 13

23 5 0
                                    


Busy ang lahat ng tao dito sa bahay. Ako din ay hindi magkandaugaga sa mga gagawin. Ngayon kasi dumating ang mga invitations for my debut. Medyo nadelay dahil ang usapan ay one month before ibibigay pero dahil may changes pa akong ginawa sa mga 18 roses at iba pa ay namoved iyon at ngayon lang dumating.


"For goodness' sake, that gown is expensive! I will report you all if something happened with it!" rinig na rinig ko ang boses ni mommy sa loob ng bahay.


Imagine? Nasa labas na ako, sa may garden namin pero klaro pa din ang pagkakarinig ko kay mommy. Dito na lang kasi kami pinapuwesto ni mommy dahil ang dami na nila sa loob. Ako na pinag-asikaso ni mommy sa mga dumating na invitations dahil okay naman na siya sa design non. All I have to do is to double check if all the invitees have at least one invitation. Baka kasi kulang ito at hindi mabigyan yung ibang inimbitahan ni mommy.


"Sorry for that," nahihiyang sabi ko sa mga kasama ko sa garden pero nginitian lang nila ako. Sanay na siguro kay mommy.


So far wala naman problema sa invitations kaya mabilis kong natapos ang iniutos sa akin. Balak din namin ngayon magpamigay kaya inihanda ko na ang magkakasama sa iisang village. Buti na lang at may address yung listahan hayst.


While sorting the invitations, my phone beeped kaya napalingon ako doon.


1 messaged received

From: Lance
Hey, beautiful. Are u busy?


Napangiti ako sa nabasa ko. Napansin kong napatingin ang mga tauhan ni mommy sa akin kaya pilit kong tinago ang ngiti bago mag tipa.


To: Lance

Yep..busy for my debut. The invitations came na kanina kaya nireready na namin para mapamigay.


Nilapag ko muna iyon para magpatuloy sa ginagawa pero tumunog muli ang phone ko kaya napalingon ako sa paligid. Busy naman sila kaya kinuha ko muli iyon para tignan ang reply niya.


From: Lance

Well, is there anything that you want me to do? I can help you :)


To: Lance

Sira! Si mommy pa ba? May tumutulong na sa akin dito okay? Chill ka lang diyan at huwag ka mag text at nang matapos ako!


Natawa ako sa sinend ko. Halata bang kinilig ako doon? Hindi naman ano? Mukha ngang ang sungit ko eh. Hay, hayaan na nga at makagawa ulit. Nag silent muna ako ng phone dahil baka pag nag reply na naman siya ay agad akong tumugon doon.


Di ko inaasahan na tototohanin niya sinabi ko. From time to time ay tinitignan ko kung nagreply na ba siya pero nabibigo lamang ako. Ano ba naman iyan? Ano kayang pinagkakaabalahan niya at hindi man lang mag reply sakin? Hmp!


"Ma'am, these invitations are ready for distribution. May gusto ka pa bang ipagawa bukod dito?" maya-maya pa ay tanong ni Trina sa akin kaya nakangiti akong umiling.

Unheard [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon