Chapter 9

31 5 0
                                    


Napuno ng tili ang kwarto ko. Napatakip na lang ako ng tenga at sinenyasan siyang huwag maingay.


"Omg bessy! I'm so kilig sa inyo ni Lance!" at saka siya tumili ulit.


"Halata naman. Ang ingay mo Niki jusko," reklamo ko pero binelatan niya lang ako.


"Masaya lang ako, at least we can now say na hindi na niya gusto si Jen right? You won't cry na," sabi niya.


"Teka hindi naman ako umiyak no!" angal ko sa sinabi niya.


"Ayy hindi pa ba? Pero aminin, if he didn't confess to you baka you're crying na ano?" pang aasar niya kaya inirapan ko siya.


"I don't think so, hindi naman ako ganoon eh."


"Pano mo nalaman? You never been in a relationship before?" pagpaprangka niya.


Natigilan ako at nag isip ng idadahilan pero wala akong lusot. She's right. Hindi pa ako nagkaka boyfriend noon. So wala talaga akong kaalam alam patungkol dito. Lagi ay nagkakaroon lang ako ng crush pero hindi pa umaabot sa ligawan.


"Nakakatampo pa rin, kahapon nangyari iyon pero ngayon mo lang kinuwento," nakangusong sabi niya.


"Well, mga 12 midnight na sila nakauwi non. I know may klase ka na nang mga oras na yun kaya di na kita ginulo," pagpapaliwanag ko pero inirapan niya ako. "Inaantok na din ako non gagi ka."


"Oo na sige na!" sagot niya. "Pero ano nangyari kanina? Like giving you flowers before going to school?"


"Wala, bakit? Ganoon ba dapat iyon?" takang tanong ko.


"Duh, of course! Omg, he didn't do that? Nako you need to make tampo with him na!" pinal na sabi niya.


"Why? Ayoko nga, baka sabihin eh nag eexpect ako ng mga ganon."


"'Di ka talaga dapat mag eexpect dahil dapat ginagawa niya talaga iyon. It is part of courting kaya," nakataas na kilay na sagot niya.


"Hindi rin. As long as napapakita niya ang pagiging sincere at loyal niya, okay na ako dun," sabi ko.


"Sabagay may point ka. Hay nako ewan ko! Bakit ko ba pinoproblema lovelife mo?" natatawang sabi niya.


Nag usap pa kami about doon at saka nagpaalaman. Pumunta ako sa banyo para mag toothbrush at hilamos. Napapitlag pa ako nang mag ring ang phone ko. Buti na lang at naghihilamos na ako, baka nalaglag ko pa toothbrush kung sakaling hawak ko iyon. Nang lumabas ako ng banyo ay saktong namatay ang tawag. Nilapitan ko iyon na nasa bedside table ko at saktong tumawag ulit si Lance? Anong meron?


"Oh? Bakit gising ka pa?" bungad ko sa kanya nang sagutin ko ang tawag.


Unheard [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon