Chapter 11

39 5 0
                                    


"What?" napabuntong hininga ako sa sagot niya.


"Kaming pamilya lang nakakaalam nito dahil hindi namin sinabi kahit sa mga kamag-anak nila mommy ang totoong dahilan. Kinuwento ko ito kay Niki noon dahil sobra na ang paninisi sa akin ni mommy noon to the point na hindi ko kinaya na mag isa lamang sa kuwarto ko noon habang umiiyak," pagkukwento ko.


"She died b-because of you? Bakit?" nag aalinlangan niyang tanong.


"Nag away kasi kami ni mommy non. Grabe na kase pagkukumpara niya sa amin ni ate Raelene kaya sinagot ko siya saka ako umalis sa amin. Kinuha ko noon ang card ni daddy kasi balak kong magstay na lang sa hotel at mahimbing akong natutulog nang pumasok sila mommy sa hotel room na kinuha ko. Pinagsasampal niya ako at sinisisi sa nangyari kay ate Raelene," tumigil muna ako dahil napahikbi ako. Naalala ko na naman ang nangyari kaya hindi ko mapigilan ang pag iyak.


Lumapit siya sa akin at inalo agad ako. Nginitian ko siya kahit sunod sunod ang pagtulo ng luha ko at saka muling nagsalita, "Hindi ko alam na nung umalis pala ako ay hinanap ako ni ate. Umuulan ng malakas non kaya nag alala daw siya saken at hinanap akong mag isa. At nang tatawagan na daw nila si ate na nakita nila ko kase natrace ng handler ni daddy na ginamit ko yung card, iba na daw ang sumagot at sinabing na aksidente si ate."


Hindi ko na inalintana kung may nakakakita man samin pero umiyak lang ako nang umiyak. Niyakap ako ni Lance at pilit na pinakakalma.


"Siguro kung hindi ako nag inarte noon ay hindi mawawala sa amin si ate Raelene. Siguro hindi ako sinisisi ni mommy sa pagkawala niya," umiiyak na sabi ko.


"Shh, hindi mo kasalanan iyon. Huwag mong sisihin sarili mo okay?" pagpapatahan niya sa akin. "Aksidente lang kamo nangyari at wala kang kinalaman dun okay?"


"Pero kung hindi nga ako umalis at hinayaan ko na lang mag bunganga si mommy ay hindi mawawala samin si ate."


"No, it's not your fault okay? Hindi mo alam na hinanap ka niya at hindi mo naman ginusto na mangyari yun kaya tumahan ka na," pag alo niyang muli at hindi na ko nagsalita pa.


Hinayaan niya lang akong umiyak sa dibdib niya while he continuously caressed my back. Nang medyo humupa na ang iyak ko ay umalis na ako sa pagkakayakap niya sa akin.


"Thank you. After eight years ay ngayon na lang ulit ako umiyak ng ganito," mapait na ngiting sabi ko. "Nakakahiya man na ikaw pa nakakita pero mas gugustuhin ko nang ganito para mas makilala mo ko."


"Sabi ko naman ay handa akong makinig sayo lagi. 'Wag ka na umiyak, magang-maga na naman yung mata mo. Baka akalain pa ni tita eh inaway kita," biro niya pero napasimangot lang ako.


"Kaya nga maga mata ko kanina ay dahil din sa kanya. Gusto ko lang naman siya kausapin about sa debut ko pero sa huli ay pinag-awayan lang namin iyon dahil akala niya pinahiya ko siya sa inyo," malungkot na sabi ko. "Hindi ko na alam kung paano matutuwa sakin si mommy. Hanggang ngayon ay pilit pa din niya akong kinukumpara kay ate Raelene."


"Bakit nga pala Raelene ang tawag sayo ni tita? Kung ibang tao naman pala iyon?" takang tanong niya.

Unheard [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon