Epilogue

26 5 0
                                    


Francesca Raelene Menezco


"It's been 17 years since you left us. Hanggang ngayon, yung mga alaala natin ay malinaw sa akin," sabi ko habang nakatingin sa kanya. First time ko siyang dalawin sa puntod niya dahil sa limang taon ko dito sa Pilipinas ay ngayon lang ako naglakas loob na puntahan siya.


Hindi ko mapigilan maging emosyonal at napayuko na lang, "Kung nandito lang ako ng panahon na yon, pipigilan kita umalis. Hindi ko hahayaan na mangyari sa iyo yan pero wala eh, wala akong magawa dahil malayo ka sa akin non."


"Nakakatuwa lang na noong sinabi mo na ipapakilala mo sa akin ang kapatid mo, nangyari iyon sa hindi ko inaasahan," napangiti ako nang maalala yung reaksyon ko noon. "Namali pa ako dahil akala ko, ikaw talaga yung kausap ko. Hindi ko naman alam buong pangalan mo eh, kaya nung tinawag siya ni tita na 'Raelene', ikaw agad nasa isip ko."


Nakipag usap lang ako kay Raelene dahil sa mga susunod na araw ay hindi na ako makakapunta ulit dito. Naniniwala ako na naririnig niya ako at malamang ay tuwang tuwa sa mga kwento ko na natupad ang gusto niyang magkita kami ng kapatid niya.


"You're my first love, Raelene and I will not regret loving you dahil ikaw ang naging daan para sa amin ng kapatid ko. I know this may sound absurd but I believe that you're the reason kung bakit kami nagkatagpo ng kapatid mo at maraming salamat dahil nagtiwala ka sa akin na aalagaan ko ng mabuti si Francine."


Biglang humangin ng malamig kaya hindi ko maiwasang tumingin sa kalangitan. Napangiti na lang ako, "Siguro nabasa mo na rin ang nasa isip ko kung bakit ako nandito. I'm preparing for the big one at nanghihingi ako ng permiso sa iyo. Payag ka naman hindi ba?"


Tumagal lang ako ng ilang saglit pa, bago maisipan magpaalam sa kanya dahil kailangan ko pa mag empake.


"This is it, Raelene. Wish me luck okay? Bibisitahin kita ulit at pasasalamatan kapag naging successful ang plano," I smiled as I touch her tombstone.


Nang makaalis ay dumiretso agad ako sa bahay at nag ayos na ng gamit. Inayos ko na yung iba kagabi pero may mga natira pa kaya ngayon ko gagawin. My flight is 8 in the evening and maaga pa naman, I still have 4 hours pero kailangan ko pang i-check kung ayos na rin sina Steven.


"Bro, nakahanda na ba kayo? Ang flight niyo ay 11pm ah?" sabi ko agad pagkasagot niya.


"Yes, yes. Nag aayos na kami simula kagabi pa. Hindi ko nga alam sa'yo kung bakit biglaan eh," sagot niya kaya napangisi na lang ako.


"You'll know when we get there."


"Eh mauuna ka nga! Paano kapag naligaw kami? Hindi pa naman namin kabisado yung Los Angeles," OA na sabi niya at napailing ako. Sana pala si Ezekiel na lang tinawagan ko.


"May susundo sa inyo don, huwag kang mag alala. Diretso kayo sa hotel, then hintayin niyo na lang ako. Make sure na alam ni Francine na bibisita kayo don at pupunta siya sa time na ibibigay niyo."

Unheard [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon