Chapter 2

46 6 0
                                    


Anong ginagawa niya dito? Bakit siya pa anak nung kaibigan nila mommy? Bakit siya pa? Huhu kala ko magkakajowa na ako eh, joke! Pero bakit nga ba sa dinami-rami ng tao ay siya pa?


"Ikaw si Lance diba? Yung ex ni Jen at ni Dianne?" hindi ko na napigilang nag tanong. Lalo tuloy nangunot ang noo niya.


"Psh, hanggang dito pala umabot ang ganyang balita. Nice." sabi niya bago ako lagpasan. Hala ang sungit naman nito! Nagtatanong lang eh!


Sumunod lang ako sa kanya at ayun, nagsimula na kaming kumain. Nag usap-usap sila mommy at ang mga bisita. Ako naman ay pangiti-ngiti lang dahil naiilang ako na kaharap ko si Lance. Minsan ay sumusulyap ako sa kanya pero pag nagtatama ang paningin namin ay agad akong umiiwas.


Kilala ko naman si Lance pero sa mukha lang. Dahil nga first section kami lagi, ay hindi namin sila nakakasalamuha noon at nahihiya din akong makipag usap sa ibang section. Pero since friends na kami ni Jen ay nabago iyon ang kaso lang ay wala na siya noon. Bali-balita ngang nag migrate sila dito sa America pero hindi ko naman akalain na dito din jusko! Ni wala nga sa isip ko na magkikita kami dito eh. Malamang ay hindi din niya ako kilala or baka sa mukha lang din. I don't know, napakatahimik niya!


"Lance anak, Raelene is also new to your school. Tutal naman nauna tayo ng ilang buwan dito ay alam kong matutulungan mo siya para makapag cope up agad doon," biglang sabi ni tita kaya ngumiti ako sa kanya.


"It's Francine po," sabi ko ng nahihiya. Di kasi ako sanay tawagin sa second name ko pwera kay mom. Inintindi ko na lang siya dahil yun ang gusto niyang itawag sa akin.


"Oh sorry, hija!" natatawang sagot niya. "So Lance, help Francine okay?"


"Okay, I'll do that mom," sabi niya lang at nagpatuloy sa kinakain.


Napanguso ako dahil hindi man lang niya ko tinapunan ng tingin. Mukhang mahihirapan akong makipag close sa kanya! Siguro naman kakayanin kong mag cope up mag isa doon sa school namin. Sasabihin ko na lang kay daddy mamaya.


Matapos kumain ay nag usap pa sila ng ilang saglit bago lumipat sa sala. Akala ko ay iyon na yun, magpapaalam na sila pero naupo pa silang lahat para mag kuwentuhan. Business na pinag uusapan nila at talagang hindi ako makarelate kaya I excused myself na lang.


"Sama mo si Lance, Raelene," sabi ni mommy kaya napalingon ako agad sa kanya na nakalayo nang kaunti


What? Bakit? Ayoko nga, ang awkward eh! Di ko pa siya kilala gaano tapos mukhang ang sungit pa niya lagi sakin! Akala niya ata eh dakilang chismosa ako sa buhay niya!


Aangal na sana ako nang tumayo siya, "Sure. I need to walk, para bumaba kinain ko," sagot niya at napamaang ako ng tignan niya ako. "Care to lead the way miss?"


Napatango naman ako at dumiretso sa bakuran namin kung saan kami nag usap ni daddy kanina. Naglakad ako patungo sa mga halaman sana pero nagulat ako nang harangin ako ni Alas, ang aking husky, at lumundag ito sa akin.

Unheard [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon