Chapter 34

20 4 0
                                    


After saying that, he literally left me dumbfounded. Nang matauhan ako ay hinanap ko siya pero wala na talaga siya! Omg, I must do something right? Pero ano naman? Naguguluhan ako, aish!


Dahil wala naman na siya ay naisipan ko nang ituloy yung plano kong mamili. Thanks to him, nakalimutan ko lahat ng dapat kong bilin. Napakagaling talaga ng timing mo, Lance. Yung alam mong gusto mo siya at willing kang balikan pero minsan kasi nakakawala sa wisyo mga pinagsasasabi niya.


Toiletries, snacks, fruits and veggies, frozen meat, ano pa ba? Ah yung mga spices and such. Kailangan ko din pala bigas, walanghiya. Ngayon ko lang narealize na madami pala akong bubuhatin pero hayaan na nga. Nakakatamad nang bumalik kung pwede ko naman bilin na lahat today. Kaya ayon, bumili na nga ako saka may cart naman so kakayanin ko papalabas ng mall then papatulong ako sa driver ng taxi na makukuha ko mamaya tapos dun sa mga sipsip sa condo. Omg, I'm so bright talaga.


After mag-groceries ay nagpa-openline ako ng phone and kasama na dun yung sim kaya tuwang tuwa ako. Wala naman na akong gagawin matapos nito at magdidilim na rin dahil ang tagal ko nag ikot sa loob ng supermarket baka may makalimutan ako kaya naman lumabas na ako ng mall and to my surprise, nandoon si Lance nakaabang sa labas ng kotse niya. Nang magtama ang paningin namin ay napatayo siya ng maayos.


Hindi ko mapigilan na lumapit sa kanya, "You're still here."


"Ah yeah. You need a ride?" alinlangang tanong niya. Ako naman ay hindi ko alam kung papayag ba ako o magpapakipot muna. Aba hindi pa ko nakaka-get over sa sinabi niya kanina no!


Pero sa huli, mas pinili kong makisakay. Tipid pamasahe na rin hehe.


"Saan ka?" tanong niya nang makasakay na siya. Pinauna niya ako dahil siya na lang daw maglalagay ng pinamili ko sa compartment.


"Yung condo malapit sa office daw natin? Wait I forgot the name!" natatarantang sabi ko. Shocks! Ano nga ulit yon?


"Ah okay, alam ko na," natatawang sabi niya at umiling pa. "Hindi mo alam yung pangalan ng condominium niyo?"


"Huh?" takang tanong ko.


"Well, nung nakaraan kasi diba nabalitaan ko sa head na may pupuntang boss daw. Sakto naman si tita Amelia nagsabi sa akin na maghanap ng condo na mabibili. Akala ko unit but she clearly said, she wants the building," he shrugged.


"What?! I knew it! Hindi papayag basta basta si mommy sa isang unit. Akala ko ay penthouse ang gusto niyang bilin sa akin, buong condominium pala."


Napatapik na lang ako sa noo ko. Napaka OA talaga ng nanay ko. Kaya naman pala ganon yung turing sakin nung mga staff don. Hay nako, nakakainis! Pag nag usap kami mamaya, nako nako aawayin ko.


Maya-maya pa ay nakarating na kami. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa amin ito. So ano? Pati dito ay ako mag manage o hindi naman? 


"Sino nag-mamanage nitong building?" tanong ko sa kanya.


Unheard [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon