This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are products of the writer's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or any actual events are purely coincidental only.
Grammatical errors ahead.
WARNING: Some contents may not be suitable for young audiences/readers. Read at your own risk.
ENJOY READING!
---
MAKE A WISH
"Hoy! Bumalik ka dito!"
Binilisan ko ang takbo ko at baka mahabol nila ako.
Nakikita kong malapit na ako sa daan kaya mas binilisan ko ang takbo ko para makalabas na ako sa lecheng gubat na ito. Pumara ako pero walang tumitigil na sasakyan sa harap ko. Nakarinig ako ng mga sigaw kaya tumakbo ako palayo doon at para mailigaw din sila.
Nang mapagod ako kakatakbo, huminto ako sa gilid ng daan at umupo doon. Sobrang hingal ko at gusto kong humiga sa daan. Sobrang init pa naman kasi tanghali na ngayon.
Tumayo ako at lumapit sa malapit na tindahan.
"Tao po? Pwede po bang makahingi ng tubig?"
"Jusko, ineng! Anong nangyari sayo at ang daming putik iyang damit mo? Sandali lang kukuha lang ako ng tubig." Mabilis na bumalik ang matanda at nilahadan ako ng tubig. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.
"May sumusunod po sa akin. Mabuti nalang at naiwasan ko sila. Baka patay na ako kung hindi ko sila matatakbuhan." May itatanong pa sana ang matanda pero may bumili sa kanya nag pasalamat na ako at umalis.
Sobrang lagkit ko na dahil kanina pa ako tumatakbo at sobrang init pa.
Napatawa ako sa sitwasyon ko. Lecheng buhay naman ito. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko sa mga magulang ko at ginaganito nila ang buhay ko simula noong dumating ako sa kanila.
Naging mabait naman akong anak. Hindi nga ako nag reklamo na hindi nila ako pinag kolehiyo. Hindi nga ako nag reklamo na inaalila nila ako sa bahay.
Naiiyak talaga ako pag naaalala ko ang sinapit ko sa bahay namin. Ilang beses ko na tinangkang lumayas at tumakas pero ngayon lang naging matagumpay ang plano ko. Ngayon na wala na ako sa puder ng mga magulang ko, hindi ko alam saan ako pupulutin. Gusto ko mang mag trabaho pero sigurado akong walang tatanggap sa akin dahil hindi naman ako nakatungtong sa kolehiyo. May isang libo lang ako na alam kong hindi magiging sapat sa lahat ng pangangailangan ko.
Tumawid ako sa kalsada at nagulat ako sa malakas na paulit ulit na busina. Sa sobrang gulat ko, hindi ako makagalaw at natulala sa paparating na sasakyan. At sa puntong iyon, hindi ko alam kung ano ang nangyari pero biglang dumilim ang paningin ko.
