Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa nagsalita ako.
"Mawalang galang lang, bakit mo pala ako dinala dito? 'Di ba pinaalis mo na ako? Tapos sabi ko sa tabi mo lang ako ibaba." Diretso kong tanong. Bumuntong hininga siya.
"My conscience is eating me up. I know I messed up, big time, you got harassed because of my childish act." Biglang may pumasok sa isipan ko.
"Pumapayag ka na bang patirahin mo ako dito? Kung oo ang sagot mo, magiging sobrang saya ko."
"That's what I'm really going to offer you. I know it's not enough but--"
"Anong 'it's not enough' eh mas okay nga iyon! Thank you ah!" Parang bumalik lahat ng sigla ko at nakalimutan kahit saglit ang nangyari kanina dahil sa sinabi niya.
"I'm sorry, I re--"
"Hindi naman kita sinisisi sa nangyari. Wala namang may gusto doon. Magpasalamat nalang siguro tayo na ligtas tayo." Ngumiti ako sa kanya at nagpatuloy pag kain.
"Take a rest after this." Tumango ako.
"Ay, ano nga pala pangalan mo? Ang pangit naman na makikitira ako dito tapos 'di ko kilala ang landlord ko. Ako nga pala si Harrieth Cruz. Pwede mo akong tawaging Happy." Naglahad ako ng kamay para makipagkamayan.
Kinuha naman niya ito at nag salita. "Rome Villanueva."
Tumango naman ako. Pinakita ni Rome sa akin ang magiging kwarto ko dito sa condo niya kaya pumasok ako doon at naligo para makatulog agad.
Kinabukasan, malapit na mag tanghali nang magising ako. Naghilamos ako at nag sipilyo, pagkatapos naman ay lumabas ako sa kwarto. Wala akong nadatnan na Rome pero may nakita akong babae na naka-corporate attair. Narinig niya siguro ang pagbukas ng pintuan kaya lumingon siya sa akin. Ngumiti siya sa akin at tumayo.
"Good morning, Ms. Harrieth. I'm Elizabeth, Eli for short. I am Mr. Romier Villanueva's assistant. He told me to help you prepare today."
"Bakit? Ano meron?"
"Bilin po ni Sir na samahan ko po kayo dito at pupunta po tayo ngayon sa mall." Kahit nagtataka sinunod ko nalang ang sinabi ni Eli. Kumain ako at naligo. Wala naman akong damit kaya sinuot ko ang mga damit ko na pina-laundry ni Rome noong unang nagkita kami.
Pumunta kami ni Eli sa isang mall na pagmamay-ari raw ng pamilya ni Rome. Pumunta kami sa mga mamahaling stalls ng mga damit. HIndi ko alam anong ginagawa namin dito pero may lumapit sa aming babae.
"Eli, siya ba?" Tumango naman si Eli.
"Girls, ilabas lahat ng sinabi ni Sir Romier." Madaming paper bags ang nasa harap namin.
"Eli, bakit ang dami mong pinamili? Para saan ba 'yan?"