5

52 7 0
                                    

Nakatulog ulit ako sa sasakyan niya dahil sa naging biyahe. Nagising nalang ulit ako noong mag alas siyete na. 


"Saan tayo?"


"We're going to stay at our house since we have nothing else to stay." Tumango ako. Pumasok kami sa isang subdivision. Humina ang pagpapatakbo niya at tumigil kami sa isang malaking itim na gate. Bumukas naman iyon pumasok ang sasakyan ni Rome.


Namangha ako sa laki ng espasyo at sa bahay na kulay puti. Mansyon ito at nakakalula ang laki. Bumaba si Rome sa sasakyan at ginawa ko rin iyon. Sinalubong kami ng mga magagandang bulaklak.


Nakasunod lang ako kay Rome na dire-diretsong naglalakad papasok sa malaking bahay.


"Romier! You're home! What brings you here?" May lumapit sa kanyang magandang babae. May kantadaan na ito pero hindi mapagkakailang na maganda ito. Hindi pa siya nasasagot ni Rome nang mapatingin ito sa akin. "And who's this pretty lady here? Your girlfriend?"


"Nako hindi po, Ma'am! Landlord ko po si Rome."


"Landlord?" Tumingin siya kay Rome na nagtataka. "Hindi ko alam na nagpaparenta ka na pala ngayon."


"Mom, hindi ako nagpaparenta." Ngayon ko lang narinig na mag tagalog si Rome kaya medyo namangha ako.


"Nakikitira lang po ako sa kanya, Ma'am. Libre po." Tumaas naman ang kilay nito at lumapit sa akin. HIndi na siya nag tanong tungkol dito pero nag tanong naman siya tungkol sa amoy namin,


"Bakit amoy usok kayong dalawa? Nag barbeque ba kayong dalawa?"


"No, Mom. The unit next to mine was on fire. I need to get Harrieth their since she was in my condo."


"Ano?! Nasunog ang condo mo?! Sinasabi ko na nga ba. 'Di ba sabi ko na dito ka nalang sa bahay. Ayan tuloy! Muntik mo pa itong mapahamak si--ano pangalan mo, hija?"


"Harrieth Cruz po, Ma'am. Happy nalang po."


"Si Happy!" Patuloy niyang litanya at hinawakan ang balikat ko.


"Meridith! Asikasuhin niyo si Happy! Hala sige!" May lumapit sa akin na babae at iginiya ako papasok sa isang malaking kwarto. 


Binigyan nila ako ng dalawang towel at roba para makapaglinis ako. Pumasok naman ako sa cr sa kwartong pinasukan namin at sobrang namangha ako sa laki. Parang kwarto ko ito doon sa bahay namin. May bathtub, shower at kung ano ano pang mga gamit. Nag shower lang ako at pagkatapos no'n ay sinuot ko ang roba ko. May towel din na nakalagay sa buhok ko.


May nakalatag na damit sa higaan ko. Pantulog ito. May underwear din. Dinala ko iyon sa banyo at nag bihis. Paglabas ko ulit ay nakita ko na naman si Meridith. 


"Upo po kayo dito. I-bo-blower ko po ang buhok niyo."


"Nako, ako nalang. Hindi naman kailangan."


"Utos po kasi ni Madam. Kailangan po namin sundin." Tumango nalang ako at umupo sa harap ng dresser. Sinuklayan niya muna ako at agad blinower ang buhok. 


Pagtapos no'n. Bumaba kami at sinalubong kaagad kami ng Mama ni Rome at ni Rome mismo na nakatuon ang atensyon sa cellphone.


"Mabuti at kasya sayo kahit medyo malaki."


"Salamat po, Ma'am."


"Nako, Tita Rina nalang. Halika, Happy, may inihanda akong sandwich dito." Hinila niya ako papuntang kusina at binigyan ako ng isang platito na may lamang sandwich. "Try it."


Tinikman ko iyon at napangiti ako. Tumingin ako kay Tita Rina, "Ang sarap po!" Pumalakpak naman siya sa sobrang tuwa.


"Yaya, can you please get Happy some juice." Binigyan naman ako ng katulong nila ng isang basong juice na may pumasok na babaeng na mas bata sa akin.


"Mom, I saw Kuya Rome outside wha--" Natigilan ito nang makita ako. "Who is she?"


"Your Kuya brought her here." Nagulat kami nang biglang siyang sumigaw at lumapit sa akin.


"OMG! Are you Kuya's girlfriend? Oh my--"


"She's not my girlfriend, Razielle."


"Hindi?! But why did you--"


"Shut up, Razielle." Pumunta si Rome sa ref at uminom ng tubig.


"But you're not really his girlfriend?" Hilaw akong ngumiti at lumingo. "I thought so. But I like you for my Kuya kahit 'di pa kita nakikilala ng lubusan."


"She's good anak. I like her too."


"I'm Sheena Razielle Villanueva. You can call me Raz, Ate."


"Harrieth Cruz. Happy nalang." 


"You have a good name too! And you're so pretty--like me!" Napangiti ako sa kakulitan ni Raz. Natigil kami dahil may biglang pumasok.


"What's with the commotion here? I can hear Razielle's voice outside." Nakita namin na pumasok na lalake na may medyo katandaan pero makisig pa din ito. May hawig sila ni Rome.


"Dad! Kuya brought a girlfriend!"


"She's not my girlfriend, Sheena Razielle! How many times should I tell you?"


"But I like her to be your girlfriend!"


"And you are?"Kinabahan ako dahil tinignan ako nito at sinuri.


"H-Harrieth Cruz po." Tumango ito at ngumiti sa akin.


"Don't be nervous. Rozen Villanueva, you can call me Tito Rozen."


"At dahil nandito na tayong lahat, let's proceed to the dining. Let's eat dinner and talk."


"I'm going upstairs. I have many things needed to be done." Pinabayaan lang siya ng pamilya niya at pumunta kami sa dining para kumain at mag-usap.

Make a WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon