17

44 7 0
                                    

TW 


From: Kat 

Ate, hindi muna ako papasok bukas. Uuwi muna ako dahil may kukunin akong iilang gamit. Huwag mo muna akong hanapin, okay? Love u! 


'Yan ang natanggap kong text mula kay Kat, two weeks ago pero hanggang ngayon ni anino niya 'di ko mahagilap. Nag-aalala na ako sa kanya at baka ano nang nagawa ni Mama sa kanya.


"Harrieth,"


"Rome, nag aalala na ako kay Kat. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Kailangan kong tignan kung okay lang ba siya." 


"You know it's not safe for you to go there."


"Kahit silip lang, Rome, please. Gusto ko lang masigurado na maayos ang lagay ni Kat." Tumango si Rome at kinuha ang car keys niya. 


Alam ni Rome ang daan papunta sa bahay namin dahil hininga niya ito kay Kat. In case daw. Luckily ang incase  na iyon ay magagamit namin ngayon.


Nandito kami sa malayo pero sa bandang ito makikita mo ang bahay namin. Nakamasid kaming dalawa ni Rome. 


Nakita kong lumabas si Kat sa pintuan at nabuhayan ako. Napangiti ako ng makita ko siya pero nawala din agad nang makita kong lumabas si Mama at binuhusan si Kat ng tubig. Tinapon niya pa ang maliit na balde sa paa nito.


Nakikita ko ang galit ni Mama kaya walang pag aalinlangan lumabas ako sa sasakyan.


"Harrieth! What the hell are you doing?! Harrieth!"


"Ma! Itigil mo 'yan!" Napatingin silang dalawa sa akin. Nilapitan ko si Kat at pinapunta sa likod ko.


"A-ate... Anong g-ginagawa mo dito?"


"Oh? Nandito ka pala. Akala ko hindi ka na babalik dito? Pero mas okay na 'yon dahil mas madali kang hawakan sa leeg." Hinawakan niya ang braso ko at hinila papasok sa bahay. 


Nagpumiglas ako pero tintukan niya ako ng kutsilyo sa leeg ko kaya natigilan ako. 


"Ma! Bitawan mo si Ate!" 


"Lumayo ka dito Katlene at tatamaan ka sa akin. Isa!" 


"Ma, 'wag mo na idamay si Kat dito. Nandito na ako oh, ako ang saktan mo." Kahit sobra ang kabang nararamdaman ko, pinipilit kong kinakalma ang sarili ko.


Sa puntong iyon, nagdasal ako ng taimtim na sana makatakas kami ni Kat. 


Naglagay si Mama ng upuan sa harap ko. Nakita kong pinalayo si Kat sa amin. Nabigla ako nang hinawakan ni Mama ang panga ko. 


"Hindi ko akakalain na ikaw mismo ang pupunta dito. Nakaka-miss tuloy na saktan ka." Napadaing ako nang sinugatan niya ang braso ko ng kutsilyo.


"Ang sarap ng buhay mo ngayon ah? Akalain mo 'yon? Kinupkop ka ng mga Villanueva. Tatanggapin ka pa rin ba nila pag may nalaman sila tungkol sayo?"


"Hindi naman makikitid ang utak nila tulad mo." 


"Aba sumasagot ka na," Sinampal niya ako kaya humapdi ang pisngi ko. 


"Bakit po? May nakalagay po ba sa batas na bawal sumagot sa magulang? Alam kong masama ang sumagot pero naisip mo ba bakit ako nagkakaganito? Dahil sayo." Sinampal niya ulit ako.


"Tangina mo!"


"Bakit Ma? Hindi mo pa din ba tanggap na nabuntis ni Papa ang tunay kong ina? Dahil ba kinupkop ako ni Papa simula noong mamatay si Mommy? Ma! Itininuring kitang ina! Kailanman hindi ko inisip na 'di ko kayo kadugo. Kahit anong gawin niyo sa akin, hindi ako tumutol. Hindi din ako nag reklamo no'ng pinatigil mo ako sa pag-aaral. Ma, ang taas ng respeto ko sayo pero nauubos din ako." 


"'Di ba palagi mo akong tinatanong bakit kita sinasaktan? Dahil nakikita ko ang hayop mong nanay sayo. Dahil sa inyo hindi ako kailanman minahal ng tatay mo. Kaya gustong gusto kong sinasaktan ka dahil sayo ako ipaparanas lahat ng sakit na naramdaman ko! Gustong gusto kitang saktan dahil parang nasasaktan ko din ang ina mo!" Hinila niya ang buhok ko at naramdaman kong may nagsusugat sa bawat parte ng katawan ko. 


Nakarinig kami ng putok sa labas at bumukas ang pintuan. Pumasok doon ang mga pulis kasama si Rome. Pagod akong tumingin sa kanya at ngumiti. Lumapit agad siya sa akin at ikinalas ang mga tali sa aking katawan. Rinig na rinig ko ang paghingi niya ng paumanhin pero hinawakan ko ang pisngi niya. 


"Thank you, love."

Make a WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon