"Happy birthday, Harrieth."
"Alam mo?" Tanong ko.
"Of course. Open the box." Sinunod ko ang sinabi niya. Kulay puti ang box at nakalagay ang pangalang Pandora. Binuksan ko iyon at nakita ko ang isang singsing na simple lang. Para siyang infinity ring na may maliliit na rhinestones.
Kinuha niya ang box sa akin at singsing. Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa aking mga mata.
"Harrieth, I haven't told you that how much I love you. I want to tell you that but I don't want to lose your focus on your studies and you are facing something important but I can't keep it anymore. I need to make a move. I want to freely express what I am feeling towards you. I don't know if you feel the same way but take this right as a sign of my love. This is a promise ring. I promise you that you'll be the only woman I will love. That you are the only woman who holds my heart."
Tumulo ang mga luha ko sa sinabi niya. Niyakap ko siya at umiyak.
"Gusto ko ding sabihin sayo 'yan pero natatakot ako baka hindi mo ako gusto. Ibabaon ko na sana ang nararamdaman ko at aalis na sana ako dito."
"Don't ever do that. I won't let you leave this house or my side."
"Mahal din kita, Rome." Sinuot niya ang singsing sa akin at hinalikan nag noo ko.
"Why do I feel that I am the celebrant? I received a great present." Sabi niya at humagikgik.
Nag kwentuhan muna kami saglit bago niya ako ihatid sa kwarto ko. Hindi ko alam pero ngayon ko nalang ulit naranasan ang mag birthday ng masaya. Naligo muna ako tapos natulog din agad.
Nakarinig ako ng katok ng katok kaya nagising ako. Kinusot ko ang mga mata ko at tumayo sa higaan. Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si Kat.
"Happy birthday, Ate!" Dinambahan niya ako ng yakap. Nakita kong tumakbo din si Raz papalapit sa akin.
"Happy birthday, Ate Happy!" Malapit pa kaming matumba tatlo mabuti nalang naka balance agad ako.
"Salamat sa inyong dalawa. Hindi pa ako nakakapag hilamos at nakapag toothbrush."
"Kakain na, Ate. Late na eh. Almost lunch time na kaya mag bra-brunch na tayo."
"Sige susunod ako agad." Sabi ko. Ginawa ko din naman agad iyon. Nag suklay ako at nagtali ng buhok. Tumingin ako sa salamin at baka may muta pa ako pero wala naman. Kaya bumaba na ako.
Nakita kong na sa hapag na sila maliban sa akin. Tumabi ako kay Rome.
"Happy birthday, Happy!" Masayang bati ni Tita.
"Thank you po, Tita."
"Happy birthday, hija."
"Thank you po, Tito."