Minulat ko ang mga mata ko at puting kisame ang nakita ko. Gusto kong bumalikwas sa pagkakahiga ko pero hindi ako makagalaw kasi ang sakit ng buong katawan ko. Nakaramdam bigla ako ng uhaw kaya tumagilid ako at sinubukang abutin ang pitsel, pero may kamay na kumuha noon at nilagyan ang baso. Umupo ako at tinulungan naman niya ako at binigay ang tubig.
"S-salamat." Paos kong sabi.
"Are you deaf or what? Did you not hear the horn of my car? I almost hit you." Hindi ako nagsalita. Kalmado lang ito pero may diin ang pagkakasabi niya sa mga salita.
Biglang may umilaw sa utak ko at biglang nag panic dahil naaalala ko na tumakas ako sa bahay namin, at biglang nandito ako sa kwarto ng kung sino na hindi ko naman kilala. Kinumutan ko ang katawan ko at humarap sa kanya at dinuro siya.
"Bakit mo ako dinala dito!? Rapist ka 'no?!"
"I'm too handsome to be called a rapist. Women come to me, miss." Bored siyang tumingin sa at sumilip siya sa relo niya. "Go out now, breakfast is ready."
Iniwan niya ako at lumabas. Dahil masakit ang katawan ko, nag hinay hinay akong bumaba sa kama at pumunta sa cr para maghilamos at magmumog. Wala akong suklay kaya tinali ko nalang ang buhok ko. Lumabas ako at hinanap ang dining. Hindi naman gaano kalaki ang bahay kaya mabilis ko lang nakita ang dining.
Nakita ko siyang nagkakape at nagtitipa sa laptop niya. Seryoso siyang nakaharap dito.
"Sit down and eat already." Ngumuso ako at sinunod siya. Nakaka-intimidate naman nitong lalakeng ito.
"Where do you live? I'll give you a ride."
"Uh, lumayas ako sa amin." Napa-angat ang tingin niya sa akin.
"So where should I drop you?" Nag kibit balikat ako. Nilagyan ko ng pagkain ang plato ko. Dinamihan ko ang kanin ko at ulam. May gatas na ding nakahain.
"'Di ko alam." Nagdasal muna ako at agad na kumain. Gutom na gutom talaga ako. Ilang araw na ako walang kain dahil palagi akong kinakandado ng mga magulang ko sa kwarto ko. Mga tatlong araw na ako walang matino na kain at puro tubig lang. Mabuti nalang at hinahatiran ako ng patago ng kasambahay namin.
"You're so skinny but you eat a lot."
"Pabayaan mo na ako, ilang araw na ako walang matino na kain." Sabi ko habang puno ang bibig ng pagkain. Nakita kong umiling siya at nagpatuloy sa pagtipa sa laptop niya. "'Di ka ba kakain?"
"I don't usually eat breakfast. You can eat all of that."
"Sabi mo 'yan ah? Uubusin ko talaga 'to." Habang kumakain ako, naalala kong hindi pa pala ako nakakapagpasalamat. "Psst! Salamat ah? Hindi mo ako pinabayaan sa daan."
Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy nalang ako sa pagkain.
Naubos ko ang pagkaing nakahain at sa sobrang kabusugan ko, napadighay ako ng malakas kaya kunot-noo siyang tumingin sa akin.
