13

45 8 0
                                    

Pagkatapos noong annual party, balik lahat sa normal. Busy ulit kami. Ako sa pag-aaral, si Rome sa trabaho niya. 


Ganoon pa din ang set up. Doon pa din ako nag-aaral sa opisina niya. Sabay kaming sa pag-alis at pag-uwi. Ganoon din sa pag kain. 


Nag-aaral ako ngayon kasama ang isang private teacher ko noong tumawag si Raz sa akin. 


"Ate!" Narinig ko ang iyak ni Raz kaya nataranta ako. 


"Raz! Anong meron?" 


"Ate! Si daddy, sinugod sa ospital. Hindi ko ma-contact si Kuya."


"May meeting si Rome. Pero pupunta kami agad diyan. Nandiyan ba si Tita?"


"Nahimatay si Mommy sa sobrang iyak. Please, Ate, punta na kayo dito sa ospital. I-se-send ko ang adress." Binaba ko ang tawag at pina-uwi na muna na ang private teacher ko kasi may emergency. Kinuha ko ang mga gamit ko at tumakbo sa conference hall. 


"Paki-sabi kay Rome na nandito ako."


"Pero po ma'am, may meeting po sila."


"Please. Sabihin mo emergency."


"S-sandali lang po." Tumingin ako sa glass wall at nakita kong napatingin dito si Rome at nagpa-alam sa mga tao doon.


"What is it?" Sabi niya.


"Si Tito, dinala sa ospital. Si Tita naman, nahimatay kakaiyak. Hindi ka makontak ni Raz dahil nasa meeting ka kaya ako ang tinawagan niya." 


"Eli, tell everyone that there's an emergency. Let's go, Harrieth." Dali dali kaming bumaba at pumunta sa garahe para kunin ang sasakyan niya. Sinabi ko ang address sa kanya at pinaharurot naman niya ito papunta doon.


Lakad takbo ang ginawa namin noong makarating kami sa ospital. Tinawagan ko naman si Raz kung nasaan siya at pinuntahan agad namin siya sa kwartong sinabi niya.


"Kuya! Ate!" 


"Is he okay? What happened? Where is Mom?"


"Stable na si Daddy. Biglang sumakit ang puso ni Dad kaya nahirapan siyang huminga. Si Mom, nagpapahinga sa loob ng kwarto ni Dad." Nakahinga naman kami ng maluwag sa sinabi ni Rome. Pumasok kami sa loob at nakita naming gising na sina Tita at Tito.


"Dad, Mom,"


"I'm okay. Makakalabas din agad ako dito."


"No, Dad. You're staying here until you're okay."


"Huwag na, Rome. Stress lang ito dala ng trabaho."


"Dad, I told you how many times that you could stop working already. I can handle our business and our relatives are helping too."


"I know, son but--"


"No buts, Dad. Just this once, listen to me. Don't worry. Take a rest and I will tell the doctor to check you if you still have other illnesses. And no, dad, you'll not leave here. Stay." 


Napangisi si Tito. "Okay, you win. Malaki ka na."


Lumabas muna kami pagkatapos naming makausap si Tito at Tita. Bumili kami ng pagkain sa malapit na restaurant. Nag order muna kami ng pagkain namin at saka take outs. Habang kumakain kami. Tumingin ako sa palibot pero sana hindi ko ginawa.


Bigla akong nanlamig at kinabahan. Nabitawan ko ang kubyertos ko noong ngumisi ito sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya at biglang nanlabo ang mga mata ko.


"Happy? What happened?" Hindi ako makagalaw sa kina-u-upuan ko at lumabas lang bigla ang luha ko at nanginginig ako. "Harrieth! What the fuck?! Are you okay? Why are trembling?"


Inabutan ako ng tubig ni Rome at ininom ko naman agad iyon. Umalis na siya sa pwesto niya na sinundan ko naman ng tingin. Nakita kong tinignan din ni Rome ang tinignan ko. 


"Sino 'yon? Why are you trembling? I can see fear in your eyes." Hindi ako nakapagsalita at pinunasan lang ang mga luha. Nawalan ako ng gana kaya pinatake-out nalang lahat ni Rome at umorder ng panibagong mga pagkain. 


Nakatulala lang ako hanggang sa maka-alis kami. Hindi ko naramdaman na nakabalik na pala kami sa ospital. Huminga ako ng malalim. Hindi naman ako kinulit ni Rome hanggang sa pumasok kami sa private room ni Tito.


"Oh? Namamaga mata mo, Happy?"


"H-ha?" Gulat kong tanong ni Tita.


"She's tired mom. She slept on the car." Tumango naman si Tita na kumbinsido. Tumingin ako kay Rome at tumango lang sa akin.

Make a WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon