Alas kwatro pa lang ng madaling araw at gising na ako. Nasanay kasi akong maaga na magising dahil ako ang nag ta-trabaho sa lahat ng mga gawain sa bahay namin. Kahit na may mga helper na hinire ay ako ang pinagta-trabaho ng Mama ko. Hindi ko alam kung bakit galit na galit sa akin ang Mama ko. Hindi ko na naabutan si Papa dahil hindi pa ako napapanganak, patay na siya.
Natatandaan kong hindi nag aagahan si Rome pero nagluto lang ako ng pwede niyang makain kung sakaling gusto niya.
Kumuha ako ng bacon, hotdog at itlog. Kumuha din ako ng mga sangkap para sa sinangag na lulutuin ko.
Habang nag gi-gisa ako, nakarinig ako ng bukas ng pinto kaya napatingin ako doon.
"Gising ka na pala. Gusto mo kape?" Tanong ko. Tumango naman siya kaya hininaan ko ang apoy sa kalan at pinagtimpla siya ng kape. "Gusto mo ba na may creamer o wala?"
"None." Tumango ako at binigay ko naman agad ang kape sa kanya. Nagpatuloy ako sa pagluluto at nang maluto ang fried rice, nilipat ko ito sa plato at sinunod ko naman prinito ang hotdog, itlog at bacon.
"Maaga ka bang aalis ngayon?"
"Around seven."
"Maaga pa naman, kumain ka muna ng agahan." Inaantok pa yata siya kaya hindi siya nakipagtalo. Napangiti naman ako kaya dali dali akong kumuha ng mga plato at kubyertos.
Nilagyan ko ng sapat na kanin ang plato niya at ulam. Wala naman siyang sinabi na niluto ko at okay naman ako doon kaya kumain na din ako. Tahimik lang kami sa hapag. Naubos naman ni Rome ang pagkain niya bago siya tumayo para maligo. Alas singko y media na noong natapos siya kumain. Niligpit ko naman ang pinagkainan namin at hinugasan ito. Naglinis din ako sa paligid. Nagta-trapo ako ng mga alikabok noong umalis siya para sa trabaho niya.
Gabi na siya umuuwi kaya nagluluto ako para makakain siya. Minsan, hindi siya umuuwi dito dahil siguro sa trabaho niya.
Ganoon nag naging senaryo namin sa loob ng tatlong linggo. Sobrang bilis ng mga araw at mag ta-tatlong linggo na ako nakikitira sa condo niya. Hindi kami masyadong nagkaka-usap ni Rome pero palagi ko siyang iniinis. Wala kasi akong makausap at parang napapanis na ang laway ko.
Tapos na ako sa lahat ng mga gawain ko. Napatingin ako sa wall clock at nakita kong alas dos pa nang hapon kaya natulog muna ako.
Hindi ko alam pero sa pagtulog ko, nahihirapan akong huminga. Umubo ako nang umubo. Nagulat nalang ako na may nakita akong makapal na usok at sobrang init pa. Tumingin ako sa paligid pero wala namang apoy pero bakit may usok na lumalabas. Saan ba ito galing?
Ubo ako nang ubo. Pupunta sana ako lababo para basain ang panyo ko pero hindi ako makatayo dahil sa kapal ng usok at nahihirapan din akong huminga.
"Harrieth! Are you there?" Rinig kong sigaw ni Rome. Umubo ako. "Fuck! Why this door won't damn open?!"
"R-Rome! Nandito ako! Nahihirapan a-akong huminga!" Nakarinig ako ng kalabog galing sa pintuan. Dahil sa kalabog na iyon bumukas ang pintuan at nakita ko si Rome. Lumapit siya sa akin at tinakpan ang ilong ko gamit ang isang towel na basa.
Bigla niya akong binuhat palabas ng condo at doon ko nakita ang isang malaking apoy malapit sa pintuan ng condo namin. May mga firemen na tumulong sa amin hanggang sa makalabas kami sa building. Lumapit siya sa medic at pina-upo ako. Hinihingal siya at gano'n din ako na hinahabol pa ang hininga ko.
Binigyan ako ni Rome ng tubig at ininom ko naman iyon. Tinignan niya ako at sinuri.
"Are you okay? Miss, can you check if she's okay?" Kanina pa ako tinitignan ng mga medic pero okay naman ako. Pinapa-stable lang nila ang paghinga ko.
"Rome, okay na ako."
"What the hell are you doing? Why don't you know there's a fire in the other unit?" Galit niyang tanong sa na nagpakaba sa akin.
"N-natulog kasi ako." Napahilamos siya sa kamay niya at mukhang pinapakalma niya ang sarili niya dahil nagagalit na siya. "Rome, s-sorry."
Naiiyak kong paumanhin sa kanya. Lumingon siya sa akin. "Harrieth, be alert next time. You're my responsibility because you are living with me. It's a good thing that the front desk called me so I rushed back to check on you."
"Sorry." 'Yon nalang ang nasabi ko nang matapos siya magsalita. He patted my head.
Lumapit siya sa isang lalake at kina-usap iyon. Maya maya, bumalik siya at pinatayo ako.
"Let's go. Let's grab a food first then we'll go home." Hindi na ako nagsalita at pinasakay niya ako sa sasakyan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/256868826-288-k948130.jpg)