11

41 7 0
                                        

Isang linggo akong nag susunog ng kilay kasi finals na. Halos umiyak ako noong prelims at midterms. At mukhang gano'n din ang mangyayari sa akin ulit ngayon pero mas doble ang kaba ko dahil finals ito. Kinakabahan talaga ako pag nag re-release sila ng mga grades sa school website. 


Nakabalik na din kami sa condo ni Rome. Nag hire din siya ng dalawang kasambahay dahil minsan nalang ako magkaroon ng maluwag na oras. Lahat naitutoon ko sa pag-aaral ko. Medyo nalungkot ako dahil minsan ko nalang ulit makikita ang pamilya ni Rome pero tuwing biyernes ng gabi, doon kami umuuwi at babalik kami sa condo tuwing linggo ng hapon. 


"Ahhh!" Malakas kong sigaw na nagpagulat kay Rome. Lumapit siya sa akin.


"What happened?"


"Nakapasa ako! Uno!" Masaya kong sabi sa kanya. Nakita kong ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. 


"I know you can do it. What do you want for lunch?"


"Mc Do!" Masiglang sabi ko at sinarado ang laptop. Sinabi din ni Mrs. Ajos na dean's lister din ako kaya sobrang saya ko. "First sem down! Second sem, here we go!" 


"Relax, Happy."


"Pwede ba akong sumama kay Eli na bumili sa Mc Do?"


"Okay. Mag-iingat kayo."


"Bye!" Kinuha ko ang cellphone ko at sinabihan si Eli na sasabay ako sa kanya. 


"Congrats pala, Happy."


"Thank you, Eli!" Binilhan ko si Eli ng regalo noong nakaraan dahil birthday niya pero nakalimutan kong ibigay kasi saktong final exams ko ang birthday niya.


"Sana hindi ka nag-abala. Pero salamat dito, Happy."


"Ang laki mong tulong hindi lang kay Rome, kundi sa akin din dahil sayo pa ako nagtatanong minsan ng mga bagay na hindi ko maintindihan."


"Wala lang 'yon." 


Mabilis lang kami doon sa Mc Do at bumalik din agad sa opisina. Habang kumakain si Rome ay bigla siyang nagsalita.


"We will leave early today because we are going somewhere."


"Saan?"


"Botique."


"Bakit?"


"The annual party of the company is almost near and you will be my date. Kailangan natin magpasukat ng masusuot natin. Raz will be there too." Tumango ako sa sinabi niya.


Alas tres pa lang ay umalis na kami doon. Si Raz naman ay nando'n na daw at kasalukuyan na siyang sinusukatan.


"Sa wakas! Nakilala ko na din ang nobya mo." Iyon ang salubong sa amin ng isang babae na mukhang siya ang may-ari ng botique. Halos magkasing edad lang sila ni Tita Rina. "Ang ganda mo, hija. Walang duda bakit mo nabihag si Romier."


"Tita,"


"Oh siya, oh siya. Uunahin na kita Rome. Halika dito." Sinukatan si Rome para sa susuotin niya. Ako din agad ang sinunod niya. "Nasa labas pa lang kayo, alam ko na kung anong gown ang bagay sayo."


Sabi niya kaya ngumiti ako sa sinabi niya. Sinukatan niya ako at nang matapos iyon, nag usap lang sila saglit ni Rome at umalis din kami. Sumabay na sa amin pauwi si Raz dahil di-diretso na din kami pabalik sa mansyon.


"Welcome home! Mag miryenda muna kayo." Bungad sa amin ni Tita Rina. Nagmano kami sa kanya. Nag luto si Tita Rina ng turon kaya masaya kaming nagsalo salo. 


"Mom, Dad, Ate Happy is one of the dean's lister this sem. We should celebrate it!" Biglang sabi ni Raz. Naikwento ko kasi sa kanya kanina na pasado ako. 


"Mabuti nalang at nakapag-grocery sina manang. We should start cooking." Tumayo si Tita at pumunta sa kusina.


"Pwede namang hindi na, Raz." 


"It's okay, Ate. Part of the family ka na." Kumindat naman siya sa akin na ikinamula ko. "Ayiiee! Nahihiya si Ate Happy!" Tukso niya kaya tumawa siya.


Narinig ko namang tumawa ng mahina si Rome kaya siniko ko siya.  

Make a WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon